Video ng babaeng Chinese na 'in love' sa taong grasa, viral - The Daily Sentry


Video ng babaeng Chinese na 'in love' sa taong grasa, viral




Usap-usapan ang isang babaeng Chinese sa social media na ayaw iwan ang lalaking taong grasa.

Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens ang pagsama ng isang Chinese sa lalaking tila nakatira sa kalye.


Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Kabiyak, mapapanuod ang eksena na tila isa lamang tagpo sa pelikula.

Makikitang ayaw umalis ng babae sa tabi ng lalaki sa kabila nang pagkumbinsi ng mga tao sa paligid nila na iwan na nya ito at sumama sa rescue team.

May isang pagkakataon sa pa sa video kung saan mapapansing hinila ang bag ng Chinese para lang tumayo ito at iwan ang lalaki ngunit nanindigan itong manatili sa pwesto.

Subalit nang pakiusapan ng isang babae ang lalaki na sumama na rin ay agad pumasok sa patrol car ng lungsod ng ParaƱaque ang lalaki at agad namang sumunod ang babae.

Maririnig ang kantyawan ng mga tao sa paligid lalo na ng mga kalalakihan.

Sambit pa ng isa, "Talo pa tayo ah! Nakadali ng Chinese ah. Lupit!"

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen dito sapagkat ang ilan ay nabahala, samantalang ang iba ay humanga sa 'pagmamahalan' umano ng dalawa.

Panuorin dito: