Andi Eigenmann, nagsalita na matapos mamataang nakaangkas sa motor - The Daily Sentry


Andi Eigenmann, nagsalita na matapos mamataang nakaangkas sa motor




Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang larawan ni Andi Eigenmann kung saan makikita itong nakaangkas sa motor.

Nag-trending ang aktres matapos i-upload ng isang netizen sa Facebook ang larawan ni Eigenmann.


Sa nasabing post, makikita ang female celebrity na may bitbit na water tub habang nakaangkas sa motor kung saan ang driver umano ay ang partner nitong si Philmar Alipayo.

Saad ng uploader sa caption, “Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya.😍 Still gorg and classy bisan indi magporma!😊 #SimpleLife #IslandGirl”

Inihayag naman ng Agua Bendita actress ang kanyang reaksyon sa nasabing larawan sa kanyang Instagram post.

Aniya, “I just saw this on Facebook. When I want to buy things, I have to hold it. “And pray I don’t drop it cuz patay tayo kay @chepoxz (Philmar),”