Aika Flores kay DJ Loonyo: Di ako nag-post para hilahin ka pababa, aminin mo lang totoo ang sinasabi ko - The Daily Sentry


Aika Flores kay DJ Loonyo: Di ako nag-post para hilahin ka pababa, aminin mo lang totoo ang sinasabi ko



Aika Flores | DJ Loonyo

Umaapaw at naging mainit na usap-usapan sa social media ang tungkol sa naging kontrobersiyal na isyu ng dating mag-partner na sina Aika Flores at ni Rhemuel Lunio o mas kilala bilang si DJ Loonyo.

Itinampok kamakailan ang pagsasabuhay ng mga karanasan ni Loonyo sa Magpakailanman ng GMA network, kung saan dito nagsimula ang pagsisiwalat ng naging reaksyon ni Flores sa di umanoy mga kasinungalingan at pagmamalinis ni Loonyo sa naging takbo ng kwento.


Sa bagong post ni Flores sa kanyang Facebook account, ipinaalala nito sa dati niyang boyfriend ang mga eksaktong pangyayari noon sa kanilang pagsasama.

"Kung sakali man nakalimutan mo yung edad mo non just to remind you, you’re 21 years old that time and i’m 20 at yung sa ab*rtion? magkausap tayo thru CALL not text," sagot ni Flores sa isang pahayag ni Loonyo sa isang interview.

DJ Loonyo
Ngunit kahit pa man sa bigat ng pinagdaanan ni Flores noon sa pagsasama nila ni Loonyo, nagawa niyang isantabi at pakawalan ang mga masasakit na karanasan at mga mabibigat na alaala at tuluyang nagbigay ng pagpapatawad kay Loonyo.

"To end this, I FORGIVE YOU because we all deserve peace in our heart and despite of all the hardship and heartaches that you have caused me i still thank you for giving me an angel," saad niya.

Taos puso din siyang nagpaabot ng pasasalamat sa mga taong nagtiwala at nagbigay suporta.


Narito ang buong kanyang buong post: 

una sa lahat



MARAMING MARAMING SALAMAT po sa mga taong nagpaabot ng care, trust and support saakin. SA INYONG LAHAT di ko man po kayo mareplyan pero sobrang umaapaw yung puso ko sa pasasalamat para sainyo 💛

CLARIFICATION ⬇️


Larawan nina Aika Flores at DJ Loonyo

RHEMUEL, kung sakali man nakalimutan mo yung edad mo non just to remind you, you’re 21 years old that time and i’m 20 at yung sa abortion? magkausap tayo thru CALL not text. And about depression, saktong sakto rin naman lang kasi na galing akong operation last july 15 due to my ectopic pregnancy at kinailangan kong operahan. ngayon, nagrerecover pako tapos sinabayan pa ng story mo? so lets not talk about depression okay? kasi kota na ko e. buti nalang pinanganak akong strong 😊

Anyways, THANKYOU gumaan nadin yung pakiramdam ko kahit papano. Sincere ka man o hindi balato ko na sayo yun. yun lang naman ang gusto ko yung aminin mong TOTOO statement ko. Kasi di ko naman kailangan mag post para manira or hilahin ka pababa. Dahil kung gusto ko ng ganon, IGNITION days mo palang ginawa ko na. and to end this, I FORGIVE YOU because we all deserve peace in our heart and despite of all the hardship and heartaches that you have caused me i still thank you for giving me an angel.

at para po sa #magpakailanman

sana po know the two sides of the story first and foremost bago i air. You should have atleast contacted me to inform me na may gantong istorya na lalabas tungkol samen ng anak ko. kung di ako nagreact dito sirang sira image ko. TRUE STORY po diba? bigay natin yung totoo sa mga manunuod at sa mga taong sumusuportat nagtitiwala sa show niyo. YUN LANG PO.



para po sa lahat MARAMING SALAMAT PO ULE! hindi ko rin po gusto sumikat kaya okay na po yun 😊. Bigay narin po natin yung privacy ng anak ko 🙏. SALAMAT PO SA PAGMAMAHAL AT PANINIWALA NINYO! 💛


***
Source:  Aika Flores

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!