Couple, viral matapos makaipon ng 1 milyon mula sa mga itinabing barya - The Daily Sentry


Couple, viral matapos makaipon ng 1 milyon mula sa mga itinabing barya






Trending sa social media ang dalawang mag-nobyo matapos silang makaipon ng isang milyong barya.

Marami ang humanga kay Yona Abella at Kit Cunanan dahil sa kanilang diskarte sa buhay na naging inspirasyon ng mga netizen.


Ayon sa Facebook post ni Abella, ang makapag-ipon ay isa lamang sa kanilang napakaraming 'relationship goals'. Ngunit hindi lang maliit na halaga ng pera ang binalak nilang ipunin, kundi isang milyong piso.


Ang isa pang nakabibilib sa naging istilo ng dalawa ay ang pagdesisyon nilang huwag ito gawin sa simpleng paraan, kung saan papel na pera ang kanilang itatabi. Bagkus, pinili nilang gawin ito gamit ang mga barya.


Nangako umano silang lahat ng mga baryang matitira sa bulsa nila kada araw ay mapupunta sa kanilang ipon kahit magkano pa ito.

Ani Abella, walang isang milyon kung walang mga baryang tulad ng mga inipon nila.

Payo nya sa mga gustong makaipon, maghanap ng 'ipon buddy' para mas mapursiging makaipon. Bukod pa doon, mas mapapabilis ang pag-iipon ng malaking halaga kung may kasama.

Humanga naman ang mga netizen sa determinasyon ng dalawa na makaipon. 

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:











Source: Rachfeed