Janella Salvador ipina-Tulfo ng dating PA, huling sweldo hindi pa ibinibigay! - The Daily Sentry


Janella Salvador ipina-Tulfo ng dating PA, huling sweldo hindi pa ibinibigay!





Screencap photos from Raffy Tulfo in Action and Twitter


Dumulog sa programa si Sir Raffy Tulfo ang dating Personal Assistant o P.A. sa kilalang tawag ng karamihan, na si Ms. Michelle Pelongco upang ireklamo ang kanyang natitirang sahod bago sya tsugihin ng artistang si Ms. Janella Salvador.

Salaysay ni Michelle kay Sir Raffy, sinuswelduhan sya bilang P.A. ni Janella sa halagang P8,000 kada buwan. At nang kanyang paalalahanan ang handler ni Janela ay tila hindi ito nagustuhan ng aktres. *


Dahil dito ay bigla na lamang pinaalis nitong June 12 at hindi na binigay ang natitira nyang sahod sa loob ng 12 days na nagkakahalaga ng P3,600.

Dagdag pa ni Michelle, Dati daw itong namamasukang bilang kasambahay ng aktress bago sya na-promote bilang PA ng the Killer Bride star.

Bilang PA, naka-assign kay Mischelle na asikasuhin ang mga gamit na dadalhin ng aktress sa bawat shooting o anumnag appointmet nito, ipaghahanda ang mga damit na kakailanganin para sa mga tapings, at iba pa. Subalit, wala syang mga benepisyo gaya ng SSS o PAG-IBIG.

Napakaliit umano ng kanyang sweldo kumpara sa ibang mga PA ng ibang mga artista na nakakakwentuhan nya sa mga set. Dahil hindi daw biro ang trabaho ng isang PA ayon sa kanyang mga kasamang PA.

"Yung iba ko pong kasama, malalaki po yung sahod, kaya nagulat din po sila sa akin. Kasi yung P.A. daw po, hindi raw po biro yung trabaho" sabi ni Michelle. 

Inihayag pa ni Michelle sa programang Raffy Tulfo In Action na hiwalay daw umano ang mga pagkain nilang mga katulong sa loob ng bahay ng batang aktress.


Bukod pa dito, binibigyan lamang daw silang mga helper nito na P2,000 para sa kanilang pagkain sa loob ng dalawang linngo na pinakakasya naman nila sa tatlo kasama ang kasambahay, driver at ni Michelle. *

"Sorry ha, ako amo rin ako, kasi sa patakaran ko, kung ano yung kinakain ko, yung ang eksaktong kinakain ng mga kasambahay ko," pailing-iling na sinabi ni Raffy Tulfo. 

Sinabi rin ni Sir Raffy na nakausap ng kanyang staff  ang handler ni Janella tungkol sa reklamo ng dating PA ni Janella, at sinabi sa kanila nito na "babalikan na lamang sila nito".

Ayons sa staff ng Raffy Tulfo in Action, kanyang nakausap si Janella bago magsimula ang programa, ngunit nakiusap ang aktres na kanya namang sasagutin ang issue ngunit kung maari ay ang handler na lang nya ang kanilang kausapin.

"Sa mga hindi pinanood ng buo ang video at nagsabing kelangang mapakinggan din daw sana ang panig ni Janella para ‘di maging one sided, nais po naming ipabatid sa inyo na tinawagan namin si Janella para sa kanyang panig bago sa airing ng reklamo." pahayag ng staff ng RTIA.

Nanawagan naman si Sir Raffy na bukas ang kanilang tanggapan anumang oras upang makapagpaliawang si Janella na kanyang side.

Bagaman, nagsara na nga ang istasyon na kinabibilangan ni Janella, ani sir Raffy, malamang ay may mga ipon na rin itong si Janella.

Ayon kay Michelle, marami daw pera ang kanyang dating amo, ngunit sadyang kuripot lamang daw talaga ito. Pabirong dagdag ng dating PA. *

Nangako naman si sir Raffy kay Michelle na kung sakaling hindi ibigay ng kanyang dating amo ang halagang P3,600 na sahod nito, ay si Sir Raffy na lamang ang mag-aabono nito kay Michelle.


Mangiyak-ngiyak namang nagpasalamat ang dalaga at sinabing sa ipapadala niya ito sa kanyang ina na nasa probinsya.

Agad naman sinagot ng aktres na si Janella Salvador o Janella Maxine Salvador sa totoong buhay,ang issue tungkol sa reklamo ng kanyang dating PA na si Michelle Pelangco na di umano ay hindi binibigay ng aktress ang natitirang sahod ng dating PA.

Sa isang Twitter post idinaan ni Janella ang kanyang sagot sa issue tungkol sa dating Personal Assistant. Kanyang pinabulaanan ang akusasyon ni Michelle dahil ang lahat ng ito ay pawang mga kasinungalingan lamang at gawa-gawang kwento ni Michelle.

Dagdag pa ni Janella, hindi sya umano nagsalita sa programa ni Raffy Tulfo dahil naniniwal sya na hindi ito ang proper venue para ayusin ang nasabing usapin. 

Bagkus, matapang pang hinamon ni Janella si Michelle na magdemanda laban sa kanya. Narito ang kanyang Twittet post na may caption na:

"The only time you are gonna hear from me about this PA “issue”.

Have a great day, everyone"


“I really don't believe I have to defend myself because trial by media is not the appropriate venue for this. " *

"If you believe in your own lies and I really violated something, sue me!"


"If you're gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me... sorry, hun. 3.6K is small and I would gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time." banat naman ni Janella kay Michelle.

Photo from Twitter @superjanella


Si Janella Maxine Salvador ay kasama sa kapamilya stars ng ABS-CBN at product endorser din. Naging sikat sa kanyang supporting roles sa sikat na teleserye na "Be careful with my heart" na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria and Richard Yap.

Dati ring naging ka-love team ng aktres si Elmo Magalona na anak naman ng yumaong aktor at rapper na si Francis Magalona. Kung saan ay naging kontrobersyal din ang kanilang paghihiwalay dahil sa akusasyon ng aktres na sinasaktan sya ni Elmo.

Sa kasalukuyan ang katambal naman niya ang aktor na si Joshua Garcia, na dating naging karelasyon ni Julia Barretto. Nilinaw nina Joshua at Janella na walang romantic involvement ang dalawa at sila ay magkaibigan lamang.