"I NEVER SAID THIS", DJ Loonyo, pinasinungalingan ang kumakalat na umano'y pahayag niya sa rebelasyon ng kanyang Ex-GF - The Daily Sentry


"I NEVER SAID THIS", DJ Loonyo, pinasinungalingan ang kumakalat na umano'y pahayag niya sa rebelasyon ng kanyang Ex-GF



DJ Loonyo

Tila naging iba ang kinahinatnan at naging epekto pagkatapos maipalabas sa telebisyon ang tugkol sa pagsasabuhay ng kwento ni DJ Loonyo sa Magpakailanman ng GMA network.

Kaliwa't kanan ang natatanggap niyang mga masasamang komento at reaksyon mula sa mga netizen matapos maglabas ng hinanakit at magpahayag ang dati niyang kinakasama at Ina ng yumao nilang anak na si Aika Flores.

Sa umiinit na isyung ito, nag-trending rin sa social media ang isang larawan ni Loonyo na may kalakip na isang pahayag na di umano'y kaniyang sagot at paliwanag sa kontrobersiyal na salaysay ni Flores tungkol sa totoong nangyari at karanasan nila dati.


"WALANG MASAMA SA PAGIGING SELFISH, GUYS. MINSAN KAILANGAN MO TALAGA MUNAG TALIKURAN MGA RESPONSIBILIDAD MO PARA SA CAREER MO. TIGNAN MO NAMAN NARATING KO NGAYON. HINDI LAHAT NG TAONG NANDYAAN SA'YO NGAYON AY NAGI-STAY. TIGNAN MO ANAK KO, INIWAN DIN AKO. AWIT SA'YO, NAK, R.I.P. NA LANG SA'YO. - RHEMUEL "DJ LOONYO" LUNIO," ito ang nakasulat sa larawan.

Larawan mula sa post ni DJ Loonyo

Ngunit, agad naman itong pinasinungalingan ni Loonyo sa kanyang post kalakip ang naturang larawan na may katagang "I NEVER SAID THIS".

"I may have said and done a lot of things, but definitely not this. What is enough? πŸ₯ΊπŸ™," saad niya sa kaniyang post.

Sa rebelasyon ng dati niyang girlfriend, binira nito ang umanoy mga kasinungalingan at pagmamalinis ni Loonyo dahil sa mga 'taliwas' na mga mga pangyayari sa kwento.

"Di ko na mapigilan di magsalita kasi SOBRA NA. sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to,"


"NANANAHIMIK NA ANAK KO. NANAHIMIK AKO NANG ILANG BESES. KAILAN BA MATATAPOS YANG PAGPAPASIKAT MO?? BIGYAN MO NAMAN NG KATAHIMIKAN ANAK KO DAHIL DI MO NA NGA SIYA BINIGYAN NG TATAY! TIGIL NA RHEMS!

Aika Flores at ang anak nila ni DJ Loonyo | Larawan mula kay Aika Flores 

KUNG GUSTO MO MAGPASIKAT WAG KANA GUMAWA NG PANSARILING STORYA O KWENTO MO PARA BUMANGO KA! MABAIT KANG KAIBIGAN AT ANAK PERO SANA NAGING MABAIT KARING TATAY KAHIT DI NA AS PARTNER

NAWALA ANG ANAK KO NG DI KA NAKILALA. WALANG GUILT SA PUSO KO DAHIL ALAM NATING DALAWA NA IKAW ANG PUMILI NON,"

***
Source:  DJ Loonyo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!