Isa pang ex ni DJ Loonyo na tinawag raw nya dating SPONSOR lang, naglabas ng reaksyon - The Daily Sentry


Isa pang ex ni DJ Loonyo na tinawag raw nya dating SPONSOR lang, naglabas ng reaksyon




Matapos ipalabas ang kwento ng buhay ni DJ Loonyo sa Magpakailanman, naglabas ng reaksyon ang isa na namang ex umano ng naturang DJ kasunod ng paglitaw ng isa pang ex nito na si Aika Flores.

Agaw-eksena muli sa social media ang dancer at DJ na si Rhemuel Luino na mas kilala sa tawag na DJ Loonyo.


Kasunod ng pag-ere ng kanyang life story sa Magpakailanman, inulan ng batikos ang nasabing personalidad dahil sa hindi umano pagkakatugma ng kwentong ipinalabas laban sa aktwal na nangyari.

Ito ang tahasang inihayag ng ex ni DJ Loonyo na si Aika Flores sa isang Facebook post.

Doon, idinetalye ni Flores ang storya nila ng naturang lalaki kung saan nasabi niyang "sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to. di ko naman na kailangan talaga pabanguhin pangalan ko as his ex girlfriend pero as the mother of his child sobra na."

Ngunit kahit mainit pa ang usapin tungkol sa mga isiniwalat ng ex nyang ito na ngayon ay pinagpepyestahan ng mga netizen, ay isa na namang pangalan ng babae ang lumitaw na may kaugnayan raw sa sikat na dancer.

Sa Facebook post ng Visual Perfume PH, sinabi nitong maging ang ex daw ni DJ Loonyo na si Jam Bantigue ay nag-react na din tunkol sa nasabing kontrobersya.


Ayon sa nasabing post, tinawag umano itong SPONSOR dati ni Loonyo na kusang nagbigay ng tulong sa kanya financially.

Tignan ang post ng naturang Facebook page at kayo na ang humusga.


Sa ibabang bahagi ng screenshot, mapapansing hindi nakuha ng buo ang nabanggit na post. Ngunit ang sinabing reaksyon ng umano ay ex ni Loonyo, ay tanging monkey emoji lamang na tila may pinapahiwatig. Dahilan para magkaroon ng iba't ibang haka-haka ang mga netizen ukol dito.