Online seller nagalit sa kanyang customer matapos makita ang mga larawan sa cellphone ng kanyang mister - The Daily Sentry


Online seller nagalit sa kanyang customer matapos makita ang mga larawan sa cellphone ng kanyang mister



Dahil marami ang nawalan ng trabaho ngayon panahon ng krisis ay mas pinipili ng karamihan ang maging online seller. Bukod kasi sa wala kang boss na sinusunod ay hawak mo pa ang oras mo kung kelan mo gustong magtrabaho.

Madalas ay mag-asawa o magpartner ang pumapasok sa ganitong uri ng online selling. Si Misis ang nakikipag-usap sa mga customer, habang si mister naman ang magdedeliver ng mga order.

Samantala, viral ngayon ang post ng isang online seller na sinisisi ang kanyang customer dahil sa mga larawan nitong nakita niya mismo sa cellphone ng kanyang asawa.

Ayon post ng online seller na si Marites Solomon, inutasan niya ang kanyang asawa na i-deliver ang order ng isa sa kanyang mga buyer. 

Pagkatapos ng delivery ay tinignan ni Marites ang cellphone ng kanyang asawa upang malaman kung nagdeliver ba talaga ang mister niya. Doon nakita ni Marites ang larawan ng kanyang buyer, ngunit hindi lamang isa ang kuha ng kanyang mister, kundi tatlong larawan. 



Maging ang nakatalikod na customer kinuhanan ni mister ng larawan.

Imbes na magalit si Marites sa kanyang asawa ay sinisi pa nito ang kanyang customer dahil hindi umano maayos ang pananamit nito. 

"Sa mga customers natin jan wag gayahin ito sana manlang ayusin mo pananamit mo babae ka alam mo may magdedeliver sayu. Mag suot kayo maayos customers,” sabi ni Marites.

Narito ang buong post ni Marites:

Sa mga customers natin jan wag gayahin ito sana manlang ayusin mo pananamit mo babae ka alam mo may magdedeliver sayu. Mag suot kayo maayos customers. Nakita ko to sa cp mismo ng asawa ko hnde ko alam bakit nya pnicturan. Lalaki eh. Sya pinag deliver ko kasi dami ako inasikaso. Be aware customers.”

Hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang paninisi ni Marites sa kanyang customer.

Ayon sa mga netizens ay wala namang mali o problema sa kasuotan ng customer. Maayos naman ito at hindi kabastos-bastos.

Dagdag pa nila, dapat raw ay ang asawa ni Marites ang kanyang sisihin dahil malisyoso umano ang pagkuha nito ng mga larawan ng customer.

Narito ang komento ng mga netizens:




***