GF ni Emman Nimedez sa mga manloloko: 'Pano po kayo natutulog sa gabi?' - The Daily Sentry


GF ni Emman Nimedez sa mga manloloko: 'Pano po kayo natutulog sa gabi?'



Emman Nimedez at kanyang girlfriend na si Peachy Bonifacio Santos
Emman Nimedez at kanyang girlfriend na si Peachy Bonifacio Santos

Pumanaw na ang sikat na online influencer at vlogger na si Emman Nimedez dahil sa sakit na leukemia nitong araw, Agosto 16, 2020.


Ito ay kinumpirma ng kanyang girfriend na si Peachy Bonifacio Santos sa isang Facebook post.


Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center - Quezon City. 


Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support. 


Funeral details will be announced in the next days. We hope everyone will respect the family's privacy to mourn the passing of Emman. Thank you. 


Bago pa man pumanaw si Emman ay humingi na ng tulong ang girlfriend nito at ang kanyang pamilya para sa gastusing medikal. 


Ngunit sa kasamaang palad, may mga taong mapanamantala na ginagamit si Emman para sa kanilang sariling interes. Tulad na lamang ng ibinahagi ni Peachy na kung saan may mga taong ishineshare ang Facebook post nila at pinapalitan ng bank account at Gcash account.


Ayon sa Facebook post ni Peachy, "May nagreport lang po sakin nito apparently may nagrereshare ng post ni emman tapos iniiba yung bank account at gcash account, ingat po tayo sa ganito."



Sa isa pang Facebook post ni Peachy, sinabi nito na wala siyang ginawang GoGetFundMe account at lahat ng donation accounts ay nakalathala lamang sa official page ni Emman.


Hindi po ako gumagawa ng gogetfund me account. Lahat po ng accounts for donations ay nasa official page po ni emman at sa facebook account ko po. 


sa lahat ng mga gumagawa ng scam accounts, nagfafabricate ng mga bank details at gumagawa ng ganung klaseng bagay pano po kayo natutulog sa gabi?