Gwapings Member Eric Fructuoso, Tricycle driver muna habang walang trabaho? - The Daily Sentry


Gwapings Member Eric Fructuoso, Tricycle driver muna habang walang trabaho?



Eric Fructuoso | Photo credit to his Instagram account
Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa dulot ng pandemyang hatid ng COVID-19, marami ang nawalan ng pagkakakitaan sa buhay.

Iba't ibang industriya ang pansamantalang natigil dahil sa quarantine protocols na ipinatupad ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Kabilang na rito ang entertainment industry kung saan karamihan sa mga artista, mang-aawit, mananayaw at iba pang 'performers' ay pansamantalang namahinga sa kanilang trabaho.


Kaya naman, sadyang nakakabilib ang ibang artista na kahit sa ibang paraan ay ipinagpatuloy pa din ang pagsusumikap sa buhay para sa kanilang mga pamilya.

Isa na dito ay ang aktor at Gwapings member na si Eric Fructuoso, na pinili raw munang “mamasada” ng tricycle bilang kabuhayan.

Eric Fructuoso | Photo credit to the owner

Eric Fructuoso's post | Credit to his Instagram account
Sa kanyang Instagram account, 'proud' na ibinahagi ni Fructuoso ang kanyang larawan na nakasakay sa tricycle at kung ano ang kanyang pinagkakakitaan para sa mga anak ngayong panahon ng pandemya.


"Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!" ani Fructuoso


Sadyang namang nag-viral ang post na ito ng aktor at umani ng maraming komento at paghanga sa kanya.

Comments from Netizens | Credit to Fructuoso's Instagram account

Comments from Netizens | Photo credit to Fructuoso's Instagram account

Matatandaang sumikat ang grupong 'Gwapings' nila Fructuoso noong dekada nobenta sa isang sikat na sitcom na ipinalabas sa ABS-CBN, ang 'Palibhasa Lalake'. Kasama ni Fructuoso sa grupo sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana.



Source: Instagram / eric.fructuoso