Matanda, nais mahanap ang mga anak matapos datnan ang mga itong wala sa kanilang tahanan - The Daily Sentry


Matanda, nais mahanap ang mga anak matapos datnan ang mga itong wala sa kanilang tahanan



Larawan mula kay Evengeline Cenon
Sa pamamagitan ng isang netizen na nagngangalang Evangeline Rance, ibinahagi nito sa kanyang social media account ang kwento ng buhay ng isang matandang si Cenon Ribon na nagnanais makita ang matagal ng hindi nasisilayang dalawang anak nito.

Ayon sa post ni Evangeline, habang naglalakad siya ay nakasalubong niya ang matandang si Cenon at nakausap niya ito tungkol sa kanyang hinaing.

Nais umano ni tatay Cenon na makita ang kanyang anak na sina Critopher Ribon at Annaliza Ribon dahil maliliit pa raw ang mga ito noong iwanan niya sa kanilang bahay at pagbalik niya ay wala na ang mga ito.
Larawan mula kay Evengeline Cenon
"Ito po si a uncle Cenon  Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan  at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita  sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay." ayon kay Evangeline.

Dahil dito ay naisipan ni Evangeline na alukin si tatay Cenon na kunan siya ng larawan upang maibahagi sa social media at laging gulat nito nang kaagad niyang inaalis ang sombrero at tumayo ng maayos.

"naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya," dagdag pa ni Evangeline.

Patunay lamang na sabik na sabik ito na makita ang kanyang mga anak na matagal ng hindi nakikita.

Basahin ang Facebook post sa ibaba:
Larawan mula kay Evengeline Cenon
"Ito po si a uncle Cenon  Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan  at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita  sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay nila sa Mindoro tinanong ko sya Kong gusto ba nyang picturan ko sya at ipost para Kong may makakilala sakanya sa Mindoro ay IPAAlam agad sa mga anak nito, naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya, tinanong ko sya Kong gusto mo bang picturan ko ang bahay mo at ipost ko din sabi Oo neng daanan mo doon  ,kaya mamaya ang bahay naman nya ang ipost ko ,Kong sino man ang maka kita at makabasa nito  paki share nalang po sanay nakarating ito sa 2 nyang anak .

"Salamat po ulit sa may konsederasyo Dios napo ang bahala sa inyong ruling sa pag share."

Sa magkaibang araw ay nagpost ulit si Evangeline para sa mga karagdagang detalye para mas mapadali ang pagtulong kay tatay Cenon.

Basahin sa ibaba:
Evangeline Rance
"Sa Kalapan City Nacoco Oriental Mindoro.  ang dating asawa nya ay si Benita Dela Cruz ang anak nya ay si Critopher Ribon na ipinanganak ng Feb 17 1982 at ang balita nya raw kay Annaliza Ribon ay nag asawa na at nakatira sa Tibag papuntang Wawa. Dito po ito sa Lumbang West Cajidiocan Romblon sa pag post ko pong ito sana po ay walang mag isip ng masama dahil wala po akong ibig sabihin gusto kolang pong makatulong sa maganda. Kahit ganito ang bahay nya ay Hindi naman ito binabayaan ng kapatid nya lalo na ang kapatid nya sa bukid nakatira lagi naman ito binibiyan ng panganga ilangan nya. 

Ang hangad nya lang talaga ay makita   at makilala sya ng kanyang mga anak sa idad nyang ito .


Yon lang po at maraming salamat po ulit God Bless po sa inyo

****