Mangingisda naka-jackpot sa dumi ng balyena na milyun-milyon pala ang halaga - The Daily Sentry


Mangingisda naka-jackpot sa dumi ng balyena na milyun-milyon pala ang halaga



 

Photos courtesy of Bangkok Post and 12RF

Sino mag-aakala na ang isang suka ay maari pa lang pagkakitaan. Ito ang kwento ng isang mangingisda sa Camarines Norte. Sa di inaasahang pagkakataon matapos magpalakad-lakad sa tabi ng dalampasigan matapos ang bagyo, ay may nakita itong palutang-lutang sa gitna ng karagatan.



Agad na humingi ng tulong ang mangingisdang si David sa kanyang mga kaibiga upang makuha sa dalampasigan ang palutang-lutang na bagay na animo’y bulok na kahoy.*


Dahil sa kakaiba ang hugis at itsura nito, na may sukat ng dalawang talampakan ang haba, taas na tatlong tlamapakan at halos may bigat na 80 kilos.


Kanila itong iniuwi sa bahay ni Nelson at dahil sa di pangkaraniwang anyo nito, kanya na lamang itong ginawang maliit na mesa o patungan sa labas ng kanilang bahay.


At kalaunan nga ay hiningi na rin ito ng kanyang kaibigan dahil sa nakakamanghang itsura nito. Masyado di umanong na-curious ang kanyang kaibigan at nagsaliksik ito sa internet kung anong uri ang nakuha nilang bagay malapit sa dalampasigan.


Sa pagsasaliksik ng kaibigan ni David sa internet, napag-alamn nito na ang kanilang aksidenteng nakuha sa karagatan ay di umano’y isang suka ng balyena. Nalaman din nito na ang hinihinalang suka ng balyena ay kilala sa tawag na Ambergis. *

Photos courtesy of @KMJS

 Ang Ambergris pala ay isang waste material mula sa balyena, na sa una ay may masangsang na amoy ngunit kalaunan ay nawawala ang mabahong amoy nito at nagiging mabango kalaunan, nababalot din ito sa waxy material at sinasabing idinudumi o sinusuka isa ng isang sperm whale.


Ayon sa eksperto, dahil sa kinakain ng balyena gaya ng mga malalaking pusit, may mga parte ito na matitigas na maaring makasugat sa loob ng tyan at bituka ng balyena kaya naman binabalutan ito ng mala wax na material upang hindi makasugat.


Dahil sa may kalakihan ang sukat nito at at maaring magbara sa bituka ng balyena kaya naman ito ay iniluluwa o sinusuka. Kadalasan itong makikita na nagpapalutang-lutang sa karagatan.


“Medyo matatalas ang dulo nya, hindi ito natutunaw sa tyan ng sperm whale. Para hindi masugatan yung bituka, pinapalibutan nya ito nung parang waxy material." Pahayag ni Dr. A. Pinchay, isang Marine wildlife specialist. *


Photos courtesy of National Geographic and Ultra Obscura


"May nagsasabi rin minsan na sinusuka nya ‘to. Ginagamit sya sa perfume industry, and since very rare itong Ambergris, mataas yung presyo nya.” dagdag pa nito.


Bukod sa ginagamit itong sakap sa paggawa ng mamahaling pabango, upang mas tumagal at kumapit ang amoy ng pabango, ginagamit din itong sangkap sa pagkain noong unang panahon at sa paggawa ng incense at maging ginagamit pa itong gamot laban sa sakit ng ulo, lagnat at epilepsy.    

        

Talaga namang masasabi na magiging mayaman ang sinumang makakakuha ng Ambergris dahil sa napakataas na halaga nito. Ayon sa presyuhan sa ibang bansa, umaabot sa 7,000 dolyares kada kilo o 300,000 piso kada kilo depende sa kulay nito.



Mas mahal daw ang halaga ng ambergris depende sa kulay nito dahil ito raw ay magandang uri kung kulay puti, at mas mababa naman daw ito kung kulay abo, brown o itim. *


Photos courtesy of Bangko Post

Noong taong 2016 naman, tatlong mangingisda sa bansang Oman ang nakakuha ng Ambergris sa dalampasigan, na umaabot sa 80 kilos ang bigat at naibenta nila ito sa halagang tatlong milyong US dollars o 150 milyong piso.


Isa rin ang mangingisdang si Jumrus Thiachot, 55-taong gulang, mula Thailand na habang nangingisda sa dalampasigan sa Thailand ay nakakita ng Ambergris.


Ngunit lingid sa kaalaman ni Jumrus, ang nakita niyang palutang-lutang ay siyang makapagpabago sa kanilang buhay.


Kinumpirma naman ito ng kanilang provincial governor sa Surat Thani Witchawuth Jinto na ang natagpuan na ito ng mangingisda ay 80% na amergries na nagkakahalaga ng halos 26 milyong piso.


Kanilang pinayuhan si Jumrus na pag-isipang Mabuti ito upang makagawa ng mabuting desisyon tungkol sa gagawing hakbang sa kaniyang nakita dahil malaki ang pera na maaari niyang makuha mula dito. *

 

Photo courtesy of Twitter and Science Alert

May ilang paraan para malaman kung tunay nga ang isang Ambergris, ang isang paraan ay ang tinatawag na ‘hot needle test’ kung saan ay pinapa-init muna ang dulo ng karayom at saka itinutusok sa hinihinalang Ambergris, at pagkatapos ay matutunaw ito at magiging isang malapot na likido o wax.


Ang isang paraan naman ay sa pamamagitan ng Gas Chromatography na may kamahalan ang presyo na umaabot sa P20,000. Ngunit sa kasamaang palad, kakaunti lang ang laboratoryong gumagawa nito sa ating bansa.


Subalit, bukod sa hindi madaling makahanap ng Ambergris, ilegal o mahigpit di na ipinagbabawal sa iba’t-ibang mga bansa kabilang na sa Pilipinas ang pagbebenta nito.


Sa katunayan, ayon sa Fisheries Adinistrative Order no. 198, at Republic Act  no. 9147 Wildlife Resources Conservation and Protecton Act at ang Revised Philippine Fisheries Code ay sinasabing ang pagpatay, paghuli o pagbili o pagbebenta o pagtransport ng lahat ng uri ng balyena at lumba-lumba (dolphin) at ang kanilang mga produkto ay mahigpit na ipinagbabawal.


Ang sinumang makakakita nito ay dapat ibigay sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) o i-donate sa pambansang museo. *

 

Photo from Wikimedia Commons