Mga rebelasyon ng isang Lalaking sawi sa pag-ibig, kinagigiliwan ngayon sa social media - The Daily Sentry


Mga rebelasyon ng isang Lalaking sawi sa pag-ibig, kinagigiliwan ngayon sa social media




Nabigo man sa pagmamahal sa kanyang dating naging karelasyon, matapang na tinuldukan ni Gab Galvez at piniling mag move-on doon sa akala niya'y siya na sa panghabang-buhay.

Naging patok ngayon sa social media ang paraang ginawa ni Galvez upang tuluyan ng bitawan ang naghahalong matamis at mapait na ala-alal kung saan nagbalik tanaw siya sa mga nakaraan nila ng Ex-girlfriend niya gamit ang kanilang mga larawan kuha noong mga panahon may sila pa. 

Narito ang kanyang buong kwento at ang mga nakakaaliw na pag-amin at rebelasyon:

Dahil pinapa erase na ng warfreak kong kapatid ung mga photos natin sa LAPTOP niya daw eto na aalisin ko na pero upload ko muna.😁Masaya kana? Dinelete ko na lahat ng photos sa laptopπŸ™„πŸ˜‚

Kung kamo may CHISMISERYE sa Malilipot ako may Throwback serye manπŸ˜† It took me almost a year to decide if i will delete these photos or not. Mga larawan na puno ng masasayang alaala noong mga panahon na yun. πŸ˜‚

Sobrang bilis at sobrang daming nangyari sa loob ng ilang taon. May mapait,may matamis,may nakakatawang mga memories namin. Akala ko, habang buhay nakong maiiwan sa mga alaalang to na matagal nang tapos. Akala ko di nako uusad. Akala ko hanggang dian nalang ako. Akala ko lang pala.

May katapusan din pala lahat nung sakit at pait. 
FINALLY, sa wakasπŸ˜‚ i have already enough guts to tell the tale. Alam ko maaaring sabihin niyo na kung nakamove on na talaga ako i can just delete all these photos right away .period. But no, kahit hindi naging maganda yung ending namin gusto ko padin ishare kung gano ako kasaya DATI/KAMIπŸ˜†

Gusto ko lang din malaman niyo na hindi lang naman puro pait ung sinapit ko. hahaha.
Every single picture means a lot to me.(datiπŸ˜†
Salamat sa lahat nung alaala masaya man o malungkot. Sobrang dami kong natutunan.

P.S. Sinadya ko na iblur mata niya to pay respect sa kanya or sa bago niya (kung meron o kung dpa sila nagbreakπŸ˜†) sa mga friends nya na naging friends ko na din.



Our very first photoπŸ˜‚ Sobrang nahihiya pako dian sayo kaya ayoko talaga magpapicture.hahaha..



Pinilit mo parin ako kahit ayoko talaga magselfie tayo. Kaya ayan medyo kita na mukha ko. Sobrang saya ko nung gabing yan. Its been 2 years that time since my heart went opsπŸ˜‚ Puro inom lang inatupag ko kasi nga bitter padin ako nun sa ex ko until i met you everything changed.



Hanggang sa nasanay tayo na laging kumain sa hepa street ng magkasama . Dati miss na miss kita dian ngayon yung xpot helmet ko nalang namimimiss ko na suot suot ko pa that time.


Yung unang simba natin sa tiwi. Nakacouple shirt pa tayo. Tas bumili tayo nung kwintas na may krus na feeling ko naging agimat ko dati.


Dba couple shirt?πŸ˜† Bilib na bilib ako sayo dian. Gusto ko din lumuhod pero sa harap mo para hingiin kamay mo.


At un nagsindi pa tayo ng kandila. Diko na matandaan ung sinasabi mong reason nun kung bat tayo nagsindi niyan pero at that time para sakin ginawa natin kasi alab u. hahaha. (i love you) Alab- Apoy , Gets mo?haha. Ok wag na nga.


Dumating yung Valentines. Feb. 13 palang yan pero bumili nako ng kung ano ano kasi d naman tayo magkikita kinabukasan. Ni minsan sa buong buhay ko hindi ako bumili at nagbigay ng mga ganyang bagay sa babae. Unang beses sayo. Naks. Oo sobrang torpe ko dati na kahit bibili lang ng ganyan takot ako kasi baka mabash ako.hahaha. At tingin ko dati korni.


Muntanga pako at nagpapicture sa sales lady na kinikilig.hahaha. Kung alam ko lang na pupunitin ko yang heart shape na unan nung unang break up natin eh chocolate nalang sana lahat binili koπŸ˜‚


Iniwan ko lahat sa bhaus mo yan at pinuno ko ng sticky notes kwarto mo ng kung ano anong notes na kakornihan.hahaha. Tuwang tuwa kapa that time. Napaluha kapa nga kasi sabi mo first time mo din na may mag effort sayo ng ganun.


Feb. 14 naging tayo. 13 dapat kaso sabi mo malas ung number 13 kaya bukas m nalang ako sasagutin. Kaya nung maging tayo humirit pako ng isang surprise na bulaklak. hindi naman kita sinisingil pero utang pa yan that timeπŸ˜†


Tapos dapat daw meron din na magkasama kami tas kunwari diko pa nabibigay. Mga babae talagaπŸ™„πŸ˜†


Day off mo nung oras na yan kaso ako may OT. Tumakas ako sa office ng lunch break kahit 15 mins para makapagselfie tayo sa heart shape na led lights at kay ate na sa likod ko.(dko kilala.yan)



Ihahatid lang dapat kita dian sa 7/11 pauwi pero wala daw susundo sayo kaya for the first time napadpad ako sa bahay niyo. Takot na takot ako nun kasi baka bugbugin at pagtripan ako sainyo hahaha.


Random rides @ random places. Naks parang di nag aaway.


Unang julibi natin. Tawa ka ng tawa kasi sabi ko dapat makita ung hammerhead na logo sa shirt kong bagong bili.


Hepa Street. Nag away tayo pauwi kasi selpon ka ng selpon. Dimoko kausap.


Unang akbay. Unang long rides. Unang upload. Nabigla ang lahat sa pogi mong katabi.


Pag magseselfie tayo lagi kang nagtatanong kung ok lang ba itsura mo. Tapos kapag sasabihin kong oo. Ayaw mo maniwala. Samantalang ako mukha ng ninja van dyan.


Hindi ka nagdala ng jacket. Sobrang init. Nag ukay ukay tayo bago magrides.


Nguso.jpeg


Nung nagpapicture ka sa artista. hahaha.


Sobrang saya. Wala nakong mahihingi pa. Kung alam ko lang na magtatapos lang pala niyaya na kita tumalon diyan sa ilog.


Bf na photographer pa. Tulak kita dian eh.



Tinatanong mo na naman ako kung okay lang ba itsura mo bago tayo magselfie.



May sakit ka. Wala pa tayo sahod pareho. Kaya yan naging dinner natin. Dapat pala hindi Eden Singles binili ko baka yan dahilan kung bat singles naπŸ™„ K next.



Paborito mo. Paborito ko.



Unang official date.



Dami kong tawa kasi nasagi sa table yung dress mo kaya kita tyan mo. hahaha.


Sinamahan pa kita kumuha ng Phil health ID. Pero bakit sa iba ka nagpasama kumuha ng Pag-Ibig?


Unang gift ko sayo. Tumblr na ako din unang gumamit. Tas napaso ako kasi nakalimutan kong kape pala nilagay mo.


Tingin palang ulam na este alam na. Saya saya talaga natin dian.



Birthday ni Miko Belludo. Hahaha. Unang kaibigan kong nakilala mo. Pati si Nath Nath. Umuwi ka agad kasi may curfew. Pwede pako mag inom inom nyan ng d nagpapaalam. — with Nath Nath and Miko Belludo.


Unang ice cream.


So sweet. Magbibreak din palaπŸ˜‚πŸ˜†



Madalas nating tambayan at lamunan. Nakakamiss ung upuan.



Fav. place natin dati. Sangariya Resto bar. Dto nagsimula lahat ng kwentuhan. Lahat ng pangako. Lahat ng tawa,iyak sa nakaraan.Higit sa lahat mga pangakong sa huli pala ay mapapako.


I thought you would hold my hand no matter what happen? Why ?


Sakit sa mata. Awit.


Ganyan kana kalayo ngayon. Tanging anino mo nalang maaabot ko. Joke lang. Okay nako. Dian kana lang.hahaha.


***
Source:  Gab Galvez

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!