Pauleen Luna, kakasuhan ang netizen na tumawag sa anak nila ni Vic ng 'pangit' - The Daily Sentry


Pauleen Luna, kakasuhan ang netizen na tumawag sa anak nila ni Vic ng 'pangit'



Ang mga ina ay handang gawin ang lahat upang ipagtanggol ang kanilang mga anak sa kung sino mang umaapi o gumagawa ng masama sa kanila.
Patrich Walter L. Harris, Tali Sotto and Pauleen Luna-Sotto / Photo credit to the owner

Kaya naman hindi nakakapagtaka nang magalit ang aktres na si Pauleen Luna-Sotto sa isang netizen na tumawag sa anak niyang si Talitha Maria “Tali” Sotto ng pangit.

Nag-umpisa ang lahat nang kumalat ang post ng basher na si Patrich Walter L. Harris sa Facebook kung saan sinabi nitong “pangit na bata” si Tali.
Photo credit to the owner

Kahit na tumanggap ng maraming batikos si Harris ay hindi parin ito tumigil sa maaanghang niyang salita laban sa bata.
Photo credit to the owner

Kahit anong sabihin niyo wala akong pake basta pangit ung bata tapos. Kung naapektuhan kayo kasi pangit anak niyo diko na kasalanan yun wag kayong pakialamero jarn okay? Wag din kayo tumawa sa post ko tapos biglang nag cocomment kdhdkskd jeez,” sabi ni Harris.

Marahil nakarating kay Pauleen ang pang-iinsulto ni Harris sa kanyang anak. Kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang kausapin ang basher.
 Photo credit to the owner

Sinabi ni Pauleen na maaari niyang kasuhan si Harris dahil labag sa batas ang kanyang ginagawa.

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Tila hindi naniniwala si Harris na si Pauleen nga ang kanyang kausap dahil nagagawa pa nitong magbiro at tawaging ‘Mars’ ang aktres. Ipinost rin nito sa Facebook ang naging usapan nila ng aktres.
Photo credit to the owner

Ayon kay Harris, mas okay pa raw ang makulong kesa mag public apology siya. Ngunit ikinagulat ng lahat ng biglang magbago ang ihip ng hangin.
Photo credit to the owner

“Ako po si Patrich Walter Harris taos pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni M’am Pauline Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters fans ni Pauline at Family Sotto ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat,” saad ni Harris.

“Ako ay nagsisisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat! Thank you so much,” dagdag pa niya.
Photo credit to the owner


***