Mga foreigner na iniwan ang sariling bansa para sa Pinay, ngunit sa kalsada humantong nang maubos ang pera - The Daily Sentry


Mga foreigner na iniwan ang sariling bansa para sa Pinay, ngunit sa kalsada humantong nang maubos ang pera



 

Mga larawan mula sa Pilipinas Trending Viral


Isang netizen mula sa Laguna ang nanawagan ng tulong sa social media para sa isang dayuhan na iniwan ng kanyang naging karelasyon na Pilipina matapos umanong tangayin ang pero nito.


Ayon sa nasabing post ni Facebook user Sandrix Lita, kinilala ang foreigner na si Arthur Ernest na taga London at kasalukuyan umano itong nasa Halang Canlalay Binan, Laguna at pagala-gala nalang.


Si Ernest ay natutulog na lang daw sa ilalim ng isang puno sa tabi ng isang covered court sa nasabing lugar, siya ay inaabutan din daw ng tulong katulad ng pera ng mga taong dumadaan.


Minsan naman ay bigas ang binibigay sa kanya ngunit dahil wala siyang gamit tulad ng kalan at kaldero na mapag lulutuan, ito ay kanya ring ipinamimigay. Si Ernest ay may iniinda ring sakit na Diabetes.


Sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa kanya sa Pilipinas, natutuwa pa rin ito dahil may mga taong tumutulong sa kanya.


“Mabait po sya kahit niloko sya ng asawa nya ay natutuwa pa rin sya sa mga Pilipino dahil matulungin daw tayong mga Pinoy, sa kabila ng ininda nyang sakit na diabetes, masayahin pa rin sya…” ayon sa post ni Lita*



Larawan ni Arthur Ernest mula sa Pilipinas Trending Viral 


“Tuwing umaga po nakatambay sya sa harap ng gasolinahan ng irenevill. Paki Share na lang po para matulungan ng kinauukulan at makarating kay idol Raffy Tulfo.” Ayon pa sa concerned citizen


Isa lamang si Ernest sa mga dayuhang nakaranas ng panloloko matapos talikuran ang buhay sa sariling bansa at makipag sapalaran kasama ang babaeng akala nila’y magiging kasama nila hanggang sa pagtanda.


Katulad ng sinapit ni Ernest, iniwan din si Holger Solager mula sa Denmark naman ng kanyang kasintahan. 


Ayon sa isang post ng netizen na si Judy Ann Cinco, si Solager ay pumunta ng Pilipinas upang pakasalan ang Pinay na girlfiend, ngunit makalipas daw ang isang taon, inubos ng babae ang pera ng dayuhan at saka ito iniwan. 


“pumunta sya dito sa Pinas upang pakasalan ang Pinay pero makalipas lamang ang isang taon, inubos ng pinay lahat ng pera nitong foreigner at iniwan sya, may pinapagawa pa itong foreigner na bahay pero kalaunan nalaman nyang hindi nakapangalan sa kanya ang bahay tapos pinalayas pa daw sya ng pinay, taga North Cotabato daw yung pinay na napangasawa nya, apat na araw na po syang stranded sa Airport dahil wala syang Swab Test at Travel Pass, wala na rin syang kapera-pera kahit piso kaya naiwan sya ng flight nya pauwing Denmark” Ayon sa post ng concerned netizen.*


Larawan ni Holger Solager mula sa Pilipinas Trending Viral 


Sinubukan din daw ng Danish na humingi ng tulong sa Embassy ngunit imbes na tulungan ay pinalabas lang daw ito. Si Solager ay kasalukuyang natutulog sa kalsada.


Kwento pa ng netizen, may mga  kabataan na nag alok ng tulong kay Solager at pinagamit siya ng tablet para makausap niya ang mga kamag-anak sa Denmark. Sa kasamaang palad, nais lang pala siyang nakawan ng mga ito.

Larawan ni Holger Solager mula sa Pilipinas Trending Viral 


“sa ngayon andun pa rin sya sa Airport naghihintay na may tumulong sa kanya, paki Share na lang po para makarating kay idol Raffy Tulfo at sa ating kinauukulan.” Dagdag ng netizen