Nanay ni Lloyd Cadena, nagsalita na: "Hiram ko lang naman si Lloyd" - The Daily Sentry


Nanay ni Lloyd Cadena, nagsalita na: "Hiram ko lang naman si Lloyd"





Tatlong linggo matapos ang pagpanaw ni Lloyd Cadena ay nagsalita na ang kaniyang ina na madalas tawagin na "Mother Kween" ni Lloyd sa pamamagitan ng isang vlog.


"Ngayon lang ako magsalita, kasi ngayon ko lang kaya magsalita," 


Nagpasalamat si Mother Kween sa mga taong nag-aalala sa kanya at sa lahat ng mga nagdasal para sa kanya.



Ibinahagi rin niya na sila ay negatibo sa sakit. "And sa awa ng Diyos naman, all negative result kami. Kaya wag kayo magalala sa health namin"


"Sisikapin namin na mana-recover kami sa nangyari," sabi niya.


"Ngayon ko lang kaya magsalita. Sisikapin namin na maka-recover kami sa nangyari... Pero wala na tayong magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd, " pagtatapos niya.



Panoorin ang kanyang buong mensahe sa vlog na ito: