Raffy Tulfo, hindi kinaya ang natuklasang lihim ni misis sa kanyang mister - The Daily Sentry


Raffy Tulfo, hindi kinaya ang natuklasang lihim ni misis sa kanyang mister




Tulad ng mga nakaraang episode na umere sa kanyang programa, muli na namang nagulantang ang TV host na si Raffy Tulfo sa kanyang mga nalaman kaugnay ng reklamo ng isang mister sa kanyang misis.



Sa September 4 episode ng Raffy Tulfo in Action, isiniwalat ng isang OFW na mister ang ginawang panloloko sa kanya ng kanyang maybahay habang sya ay nagpapakahirap magtrabaho sa Japan.


Saad ni Joel, mister na niloko, isinuplong nya ang kanyang misis dahil sa lumutang na maselang video nito kasama ang kanyang lalaki.






Ang kabit na tinukoy ng nalokong asawa ay kapitbahay pa nila umano. Bukod pa dito, ang naturang video na kumalat ay kuha pa raw ng isang lalaki na dati ring naging kalaguyo ng kanyang misis - bagay na lubos ikinadismaya ni Tulfo.


Ayon sa nakalap na impormasyon ng staff ni Tulfo, selos umano ang nag-udyok sa lalaki na dating ring kabit ng babae kaya nya nagawang kunan ng video ang misis ng OFW habang ginagawa ang kataksilan kasama ang bagong kabit nito.



Panuorin dito: