Babaeng siningil sa utang matapos ang 2 years, na-offend - The Daily Sentry


Babaeng siningil sa utang matapos ang 2 years, na-offend



Marami na ang nasirang samahan at pagkakaibigan dahil sa mga taong hindi marunong magbayad ng utang. Minsan, kung sino pa ang may utang, sila pa ang galit.
Aira M. Polea / Photo credit from her Facebook

Katulad na lamang ng isang netizen na si Aira M. Polea, kung saan na-offend at nainis pa ang kaibigang sinubukan niyang singilin matapos ang dalawang taon.

Sa Facebook post ni Aira, makikita ang screenshot ng naging usapan nila ng kanyang kaibigan.

Hi Dear! Kamusta? Ask ko lang pala kung pwede ko na makuha yung Hiniram mo, kahit di buo para di ka mabigatan..regards mo ko sa cute na baby mo,” message ni Aira.

Sumagot naman ang kaibigan ni Aira ngunit halatang galit ito at naiinis sa ginawang paniningil ng kaibigan.

Ok lang naman kami. Bakit ngayon ka lang naningil? E cympre magagamit namin pera. Kasalanan mo yan, kunwari ka pang concern sa anak ko, maniningil ka lang naman. Alam ko naman na malaki utang ko di ko naman nakaka limutan pero sana marunong kang umintindi palibhasa may pera ka.”

Minabuti parin ni Aira na panatilihin ang pagiging kalmado at siya pa mismo ang humingi ng paumanhin sa kaibigan dahil tila na-offend ito.

Sorry if na offend kita. Wala naman ako intention na ganyan ma feel mo, and pasensya na if feeling mo di ako concern sa baby mo. Alam mo naman di ako masingil and nahihiya din ako, sabi ko kasi babalik mo kagad after 1 month, mag 2 yrs n kasi iniisip ko mag kukusa ka. Sorry ulit la.

Ngunit makapal talaga ang mukha ng babaeng may utang at tila sinisisi pa si Aira.

So sinasabi mo di ako nag babayad utang? Minsan sana marunong ka makaramdam, madami din ako bills na dapat bayaran at di lang ikaw.”

Narito ang buong post ni Aira:

“Hindi po talaga ako marunong maningil ng umuutang, kasi ako pa ang nahihiya pero ito, iniisip ko pa Mabuti pano sya e-txt. Nakakahiya naman at nagalit sa akin dahil naningil ako. Sorry na po! 

Nangungutang din naman ako pero di ako ganito 

Nakaka takot na maningil sa panahon ngayon. Baka sa sunod masapak na ko nito.

Mapapakanta ka nlng tlga ng #itreallyhurts

Narito ang iba't ibang reaksyon ng mga netizens:






***