CR na may second floor, kinagiliwan ng mga netizen - The Daily Sentry


CR na may second floor, kinagiliwan ng mga netizen




Duh bago ka mag inarte make sure na may 2nd floor ang cr nyu


Yan ang pabirong nasabi ng isang netizen sa kanyang Facebook post.


Sa larawan na in-upload ni Kenn CariƱo, makikita ang picture ng isang palikuran o CR (comfort room). Pero hindi ito tulad ng ordinaryong banyo lang. 


Kapansin-pansin kasi na bago ka pa makaihi o makadumi dito ay kailangan mo munang dumaan sa hagdan paakyat ng inidoro o toilet bowl, bagay na hindi pangkaraniwan para sa isang CR. 



Kaya naman agaw-pansin ngayon sa social media ang larawan ng naturang banyo matapos maaliw ang mga netizen dito.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento: