Foreigner na pinisikal ng mall guards, lasing pala at naunang nag-amok - The Daily Sentry


Foreigner na pinisikal ng mall guards, lasing pala at naunang nag-amok




Viral ngayon sa social media ang video ng pamimisikal ng mall guards sa isang foreigner.

Sa video na in-upload ng netizen na si Ricardo Gualis, mapapanuod ang mga gwardya sa isang mall habang tila kinukuyog ng mga ito ang isang hindi kilalang dayuhan. 


Ayon sa video uploader, sa SM Light umano naganap ang nasabing pangyayari. Sa naturang post din nagbigay-babala si Gualis sa mga foreigner sa Pilipinas at pinag-iingat sila para marahil ay hindi sapitin ang kaparehong pangyayari. 

"If you are a foreigner now in the Philippines you have to be careful, they can throw you on the ground and kick you there." saad ng netizen. 

Ngunit sa kabilang banda, makikita sa isa pang kumakalat na video ang pag-aamok ng foreigner sa mall kung saan tila wala ito sa sarili. Ayon pa sa caption, lasing ang lalaking banyaga. 

"foreigner na lasing sinuntok ang guard ng sm light" saad ng FB page na Pilipinas History files kung saan mapapanuod ang kabilang bahagi ng kwento. 

Panuorin ang mga video: