Janine Berdin, walang takot na sinagot ang tanong kung may pinagawa sya sa kanyang mukha - The Daily Sentry


Janine Berdin, walang takot na sinagot ang tanong kung may pinagawa sya sa kanyang mukha




Kamakailan lang ay ginulat ng singer-songwriter na si Janine Berdin ang madla matapos na kumalat sa social media ng kanyang mga latest na larawan.


Kasunod nito ay ang kaliwa't-kanang intriga na ibinato sa female singer kaugnay ng kanyang bagong anyo.



Sa October 11 episode ng programang Gabing Gabi na Vice, naging guest si Berdin ng naturang online show. 



Doon, hindi pinalagpas ng komedyanteng host na si Vice Ganda ang pagkakataon para tanungin ang dalaga tungkol dito. Hindi naman ito inurugan ng singer.



Nang tanungin sya kung nagpa-enhance ba ito ng kanyang facial feature, walang kagatol-gatol na sumagot si Berdin at tahasang inamin na nagpaayos sya ng kanyang ilong. 



Hirit ni Vice, tila nadamay raw pati ang kanyang mata at nabanat ng konti dahil malapit lang ito sa ilong. Sumang-ayon naman dito si Berdin at napangiti na lamang.


Paliwanag nya, ang kanyang ilong ang naging pinaka-insecurity nya noon na syang dahilan ng kalungkutan nya. Kaya umano kahit sobrang blessed sya noon ay may lungkot pa din syang nararamdaman.


Panuorin: