Netizen, Ibinahagi ang Larawan ng isang OFW Maid na Pinapanood lang ang Amo Habang Kumakain - The Daily Sentry


Netizen, Ibinahagi ang Larawan ng isang OFW Maid na Pinapanood lang ang Amo Habang Kumakain



Photo credit to Regine Canete Allones Facebook account

Isang OFW na nagtatrabaho diumano sa Singapore bilang isang maid ang nag-viral kamakailan lamang. Ang dahilan ay dahil nanonood lamang siya habang kumakain ang kanyang mga amo sa isang restaurant.

Isang Pilipino ang nakasaksi ng pangyayaring iyon at dahil sa sobrang pagkahabag sa kapwa Pinoy ay kanyang ibinahagi ang larawan kung saan nga makikita ang sitwasyon ng pobreng kasambahay.


Photo credit to Regine Canete Allones Facebook account

Kwento ng netizen na si Regine Cañete Allones sa kanyang Facebook post, isang araw habang nakain siya sa isang restaurant ay nakita niya ang isang pamilya na may kasamang isang OFW maid. Pag-kapasok ay agad na pinunasan ng maid ang mesa at silya ng bata at ng among babae.

Pagkatapos ay inihanda ng kasambahay ang pagkain ng bata, habang ang mga amo ay nag-order ng kanilang pagkain.

Photo credit to Regine Canete Allones Facebook account



Pagdating ng pagkain ay napansin ng netizen na si Allones na walang ibinigay na pagkain para doon sa OFW na maid. Nakaupo lamang siya, habang pinapanood kumain ang mga amo.

Ayon kay Allones, sobrang nakakadurog ng puso habang nakikita niya ang kapwa Pilipino sa ganoong sitwasyon. Ngunit kahit ginusto niya raw na tulungan ito at bigyan ng makakakain ay hindi niya nagawa dahil baka lumabas na siya pa ang masama. 

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

"Kanina kumakain aq , tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda nya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods. Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbaran ko tlga kung may pagkain yung maid, (walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung mangtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tirang pag kain.

#RespectStillAHuman hndi Robot kakain at kakain yan.  #IbangLahi
#And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.
#Hebrews 13:16"



SourceRegine Cañete Allones | Facebook