Netizens, pinagkaguluhan ang 'new look' ni Janine Berdin - The Daily Sentry


Netizens, pinagkaguluhan ang 'new look' ni Janine Berdin




Binigla ng singer-songwriter na si Janine Berdin ang madla matapos mag-trending ang kanyang mga larawan sa social media kung saan makikita ang new look nya sa kabila ng kinakaharap nating krisis ngayon.


Laman ng usap-usapan ngayon ang agaw-pansin na viral photos ng naturang singer. Kitang-kita kasi ang malaking pagbabago sa anyo ng dalaga kung ikukumpara ito sa kanyang itsura noong lumabas sya sa isang programa ng Kapamilya network. 

Sa paglutang ng kanyang 'glow up' photos, umani ng iba't-ibang reaksyon ang mga ito. 

Marami ang hindi magkamayaw at natuwa sa transformation ni Berdin, pero may ilan namang halos hindi makapaniwala sa pagbabago sa anyo ng singer. 

Samantalang ang iba ay all-out ang suporta sa kanya at pinagtatanggol pa sya mula sa kanyang bashers na tinutuligsa ang new look nya at sinasabing pinagawa ito ng nasabing artist. 

Narito ang ilan sa kanyang mga larawan at komento ng mga netizen:







Narito naman ang komento ng mga netizen na pinagtanggol ang singer mula sa bashers:




Sumikat si Berdin sa noontime show na It's Showtime nang sumali sya at manalo sa segment doon na Tawag ng Tanghalan.