Pulubi, nakabili ng motor mula sa panlilimos - The Daily Sentry


Pulubi, nakabili ng motor mula sa panlilimos




Dahil sa sobrang kahirapan dulot ng kawalan ng suporta mula sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan, napipilitan manlimos ang mga taong hikahos sa buhay. Ang napaglilimusan ng ilan ay napupunta sa pambili ng kanilang pagkain, samantalang ang iba naman ay pinambibisyo pa ito.



Pero kakaiba ang napuntahan ng mga napaglimusan ng isang lalaking ito. Nagkaroon kasi sya ng plano para sa kanyang mga nakokolektang pera. At hindi iyon basta-basta dahil higit pa ito sa pang-araw-araw na pantawid gutom lang.


Sa pambihirang pagkakataon, nakapagpundar ang isang pulubi ng sarili nyang motor dahil sa kanyang matyaga at walang pagod na paghingi ng barya-baryang tulong mula sa mga taong hindi nya kakilala. 



Bunsod nito, tila naging instant celebrity ang lalaki matapos mag-trending ang kanyang mga larawan kung saan mapapansin syang kinukuhanan ng litrato habang hawak nya ang papeles ng bagong biling sasakyan.



Sa Facebook post ng netizen na si Hannah Nicole Febra makikita ang mga larawan ng lalaki pati ng kanyang motor na may caption na "Isang hamak lang na pulubi!! Pero nkabili ng motor ! Dahil lang sa paghingi hingi nya ng teg lilimang piso!!"



Bumilib ang marami dahil nakuha pa itong magawa ng lalaki sa kabila ng kanyang estado sa buhay. Kaya naman tiyak na nagbigay inspirasyon ang kanyang kwento sa mga netizen matapos nyang patunayan na may mararating ang mga taong may gustong makamit sa buhay kahit gaano pa man sila kahirap.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento: