Photo credit to Facebook Payong Kapeso Group |
Hanggang saan nga ba ang hangganan ng isang pagiging magkaibigan? Sadya bang nakakasira ng isang relasyon o pagkakaibigan ang pera, o sadyang hindi lang nagkaunawaan, napagusapan at napagkasunduan ito ng maayos?
Tulad na lamang ng istoryang ito ng dalawang magkaibigan na nasira ang magandang samahan dahil sa paniningil ng utang.
Ayon sa nagbahagi ng kwento, lumapit at humingi ng tulong sa kanya ang kaibigan noong nag-apply ito patungong ibang bansa at nangakong babayaran siya agad sa unang sweldo nito. Ngunit lumipas ang ilang buwan ay walang paramdam at tila nakalimot na ang kaibigan. Hanggang sa dumating ang punto na kinailangan na niyang singilin ito ngunit laking gulat niya sa inasal ng kaibigan na naging dahilan ng pagwawakas ng kanilang samahan.
Narito ang buong kwento:
"What a great way to end friendship! Wag ka mag alala, kahit binlock moko di kita eexpose at di kita papangalanan dahil diko gawain mamahiya..kahit ginago mo ako.
February 25, lumapit ka sakin dhil kamo kailangang kailangan mo ng pera pang apply mo pa Qatar kaso wlang kang documents pa. Ako si pusong mamon, nagphiram agad ako ng 5k sayo para mkapag process ng mga necessary documents. kahit wla pang kasiguraduhan kung mtatanggap ka. Kaya ang saya ko nung nalamang selected ka. Namroblema ka ngaun sa pang medical mo, pahiram ulit kta ng another 5K. After lumabas ang result na fit to work ka, vivisaan kana, need mo ngaun ng placement fee, another 10k ang sunod na inabot ko sayo para pandagdag sa placement mo. Wala akong ginawa kundi tulungan ka dahil minsan na rin akong nangarap makapag abroad na natupad ko ng hndi umaasa sa tulong ng iba.
Recently, na stroke ang mom ko. And we spent a lot of money. At dhil meron pa akong konting naitabi, at sa tulong na din ng mga kapatid ko, nalagpasan namin yun at hndi kita siningil.
2 months later after my mom, na heart attack naman si erpat. 5 days siya na admit at 2 days sa ICU. I thought it's the best time to ask u the money u owe. Kahit na hiyang-hiya akong singilin ka nilakasan ko parin loob ko dhil wla na akong choice. We really need the money akala ko maiintindihan mo. Pero nagulat ako at sa ganito nag ending ang ating pinagsamahan.
Ang salitaan mo sakin parang ksalanan ko pa na nagpahiram ako sayo? Just bcoz of the money na involve itatapon mo na samahan natin at pinakita mo na kung sino ka?
Goodluck sayo sana maging maayos ka jan."
Matapos ang huling mensahe niyang iyon ay hindi na niya muli nakausap pa ang dating kaibigan dahil unfriended at nakablock na siya diumano dito.
Kayo po mga kababayan, naranasan nyo na din po bang mawalan ng kaibigan dahil sa utang?
Source: PAYONG KAPESO GROUP | FACEBOOK