Jake Zyrus, tinawag na sira-ul0 ng sariling ina: "Wala na sa sariling katinuan si Charice." - The Daily Sentry


Jake Zyrus, tinawag na sira-ul0 ng sariling ina: "Wala na sa sariling katinuan si Charice."




Raquel Pempengco at Jake Zyrus aka Charice Pempengco (ctto)


Ayon sa  ina ng singer na si Charice Pempengco na kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus, siraul0 lang umano ang bibili ng libro na akda ng anak dahil ganun din ang gumawa nito.


Ito ang naging tugon ni Raquel Pempengco matapos na isiwalat ni Jake sa kanyang libro ang ginagawang pang-aabus0 sa kanya ng ina.



Sa librong I Am Jake, binunyag at idinetalye ng singer ang kanyang mga karanasan sa kamay ng kanyang ina noong siya ay bata pa.


Ayon kay Jake, bayolente umano si Raquel, ugaling namana naman nito sa kanyang Lola Tessie na tinaguriang 'batas' sa kanilang pamilya.


Sinabi pa ng singer na pinupuk­pok siya ng takong ng sapatos sa ulo ng ina pag siya ay dinidisiplina nito, na nag-iwan pa ng mga peklat sa kanyang ulo.


Ayon pa dito, pinapalo siya ng sinturon na may metal belt ni Raquel. Maliban dito, natuklasan din niya na may mga pekeng Instagram accounts ang ina na may iba't ibang pangalan na ginagamit umano nito para siya ay siraan o ibash dahil hindi nito matanggap na siya ay nagpalit ng kanyang kasarian.



Sa kanyang libro, tinawag din niyang "evil queen" at "abusive mother" ang ina.*




Ngunit, gayunpaman, hindi umano nagtanim ng galit sa ina si Charice o Jake, katunayan nga ay nagpa-tattoo pa siya ng pangalan ng ina sa kanyang wrist.


Samantala, nang hingian naman ng pahayag si Raquel tungkol sa mga bintang ng anak, sinabi nito na  “Isa lang ang masasabi ko sa libro... Sira-ulo lang ang bibili ng libro dahil sira-ulo ang gumawa. Wala na sa sariling katinuan si Charice.


“Naawa ako para sa kanya dahil ginusto niya lahat ang mga nangyayari sa kanya ngayon.” Anito



“Nasaan ba siya ngayon? Kung ‘di dahil sa evil mother niya, wala siya sa kinata­tayuan niya ngayon.


“Nakilala siya dahil sa evil mother na tinatawag niya.


“Walang magulang na naghahangad ng makaka­sama para sa kanilang anak.




“Hindi siya aangat at maibabangon pa ang nasirang career niya kahit gawin pa niya akong masamang tao, kahit ilang libo pang libro ang ikalat niya.” dagdag pa nito*