Lalaki, mas piniling gawin ang gawaing bahay kaysa ubusin ang oras sa paglalaro ng ML - The Daily Sentry


Lalaki, mas piniling gawin ang gawaing bahay kaysa ubusin ang oras sa paglalaro ng ML



 

Larawan mula kay Norvin Esplana

Hinangaan ng mga netizens ang ginawa ng isang lalaki na mas piniling gawin ang gawaing bahay kaysa tumambay at ubusin ang oras sa paglalaro ng isang sikat na mobile games na Mobile Legends.


Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Norvin Esplana kung saan ay ipinagmalaki nito ang bawat sulok ng kanilang tahanan na makikitang kanyang nilinis at inayos.


Sa kanyang ibinahaging mga larawan, makikita na maayos ang higaan sa kwarto at maging ang kanilang sala ay napaka-linis at maayos na.

Larawan mula kay Norvin Esplana

Larawan mula kay Norvin Esplana

Hinugasan na rin nito ang mga pinagkainan at maging ang kanilang palikuran ay makintab na at tila mabango na ito.


Maging ang mga labahin ay maayos na rin na nakasampay at tila inubos na ni Norvin ang mga gawaing bahay.

Larawan mula kay Norvin Esplana

Ayon kay Norvin, mas mainam na umano ang kanyang ginawa kaysa raw ubusin nito ang kanyang oras sa pagtambay lang at paglalaro ng Mobile Legends ay mas minabuti nitong gumawa na lamang ng mga gawaing bahay upang sa ganoon ay masiyahan naman daw ang pamilya niyang uuwi sa kanilang tahanan.

Larawan mula kay Norvin Esplana

Ayon kay Norvin, kaysa umano ubusin nito ang kanyang oras sa pagtambay at paglalaro ng Mobile Legends ay mas minabuti nitong gumawa na lamang ng mga gawaing bahay upang sa ganoon ay masiyahan naman daw ang uuwi sa kanilang tahanan.


"Lalaki ako 💪🏻💪🏻pero mas pipiliin kung gawin to kesa sayangin ang oras ko sa pagtambay at paglalaro ng ML hahaha 😊 Para naman matuwa ang uuwi😊" Ayon kay Norvin.

Larawan mula kay Norvin Esplana

Larawan mula kay Norvin Esplana

Dahil dito, kaliwat-kanan naman ang humanga sa ginawang ito ni Norvin na kahit lalaki siya ay may lakas loob siyang gumawa ng mga gawaing bahay na kadalasan ang mga babae ang gumagawa.


Ayon pa sa ibang netizen ay sa panahon ngayon umano ay bihira na lamang ang katulad ni Norvin kung kaya napaka swerte umano ng kanyang magulang dahil mayroon silang masipag na anak.

Larawan mula kay Norvin Esplana

Basahin sa ibaba ang ilang komento ng mga netizens:


"Ayos ka kuya Norvin, bihira ang tulad mo na kahit lalaki ka ay ginawa mo yan which is tama naman talaga.


"Ayos na ayos yang pareng Norvin, kung ako nasa kalagayan mo ganyang din ang gagawin ko dahil yun ang tama. di bale ng gumawa ng gawaing bahay kaysa isipin ng ibang tao na batugan ako.

Larawan mula kay Norvin Esplana
"Tama yan, hindi yung puro cellphone lang ang inaatupag na kapag uutusan mo pa eh sila pa yung galit.

Larawan mula kay Norvin Esplana
"Dapat naman talaga sa isang tahanan ay magtulungan sa gawain man yan ng babae o lalaki basta kaya mong gawin why not.


"Sana gayahin ka ng iba kuya Norvin dahil sa panahon ngayon ay karamihan sa mga lalaki ay ayaw gumawa ng mga gawaing bahay at sobrang tamad.


****


Source: Norvin Esplana