Lalaki nagtanim ng 10,000 mangroves upang protektahan ang kanyang bahay sa mga bagyo - The Daily Sentry


Lalaki nagtanim ng 10,000 mangroves upang protektahan ang kanyang bahay sa mga bagyo



Tuwing tumatama ang malalakas na bagyo sa ating bansa, hindi naiiwasan ang pagbaha at paglubog ng ilang kabahayan. 
Photo credit: Dan Niez via Facebook

Ilan sa mga dahilan ng matitinding pagbaha ay ang mga baradong kanal o estero dahil sa mga basurang itinatapon ng mga tao.

Ngunit ang mas matinding dahilan ng pagbaha ay ang pagkakalbo ng ating mga bundok. 

Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagputol sa mga puno na kailangan upang mapigilan ang matinding pagbaha. Ano nga ba ang ating ginagawang aksyon ukol rito?

Samantala, isang 65-anyos na lalaki ang nagtanim ng 10,000 mangroves sa loob ng walong taon upang maprotektahan ang kanyang bahay laban sa mga bagyo.
Photo credit: Dan Niez via Facebook
Photo credit: Dan Niez via Facebook

Kinilala ang matandang lalaki na si Gary Dabasol mula sa Matalon, Leyte. 

Dahil malapit sa baybayin nakatira si Dabasol, alam niyang delikado ang kanyang bahay sa malalakas na hagupit ng bagyo. Upang maiwasan ito ay nagtanim siya ng 10,000 mangroves sa Punong Village kung saan siya nakatira.

Ayon sa Philippine News Agency, pinulot lang daw umano ni Damasol ang mga buto ng mangroves sa kanilang lugar. 

Iba’t ibang uri naman ng mangroves ang itinanim ni Damasol katulad ng miyapi, pagatpat, at bakawan.

I’m glad that I was able to inspire people. I hope that they will also follow what I am doing. I also want to contribute to higher marine production by cultivating a spooning area for fish, crabs, and shrimps and other species,” saad ni Damasol.

Ang netizen na si Dan Niez ang nagbahagi ng kwento ni Damasol sa social media.

Aniya, sana raw ay mainspire ang mga tao sa naging accomplishments ni Damasol at tularan itong protektahan ang ating kalikasan.
Photo credit: Dan Niez via Facebook
Photo credit: Dan Niez via Facebook

Dagdag pa niya, sana raw ay suportahan ng gobyerno ang ginawa ni Damasol dahil totoong nakakahanga ito.

Ayon naman sa isang article ng Ecoviva, hindi lang daw pang depensa sa malalakas na alon ang kayang gawin ng mangroves.

It provides a nesting and breeding habitat for marine animals. They help in maintaining water quality since they filter and trap sediments, heavy metals, and other pollutants. They eliminate carbon in the atmosphere two to four times greater than the mature tropical rainforest.”

Hindi pa huli ang lahat upang gumawa tayo ng aksyon at protektahan ang ating kalikasan. Tayo lamang ang may kakayahan na gawin ito at tayo rin ang makikinabang.

Meet Mr. Gary Dabasol from Brgy Punong Matalom Leyte, Planted 10,000 mangroves by himself. Behind him are 5 years old...

Posted by Dan F Niez on Saturday, October 24, 2020
Narito ang ilang komento ng mga netizens:






***