Ang dami ng nabibiktima sa PANGUNGUTANG NG PERA na lahat ay nauuwi lamang sa wala at naging "Thank you" nalang. Minsan dahil sa hindi nagkukusa sa pagbabayad ang mga may utang ay ikaw nalang ang nilalamon ng hiya kakasingil nito.
Ganito ang narasan ng isang OFW na piniling mangibang bansa at kumakayod sa pagtatrabaho para sa pamilya pero nabiktima lang ng isang hindi nagbabayad ng utang.
Makikitang maayos na pinaalalahanan ng kapatid ni Gem sa chat ang may utang sa kanya na maniningil sana siya sa utang nito na 5thousand pesos dahil uuwi na siya ng Pinas at sa pagbabasakaling nakaipon na ito ng pambayad na tumagal ng halos dalawang taon.
Ngunit laking gulat nalang ng OFW sa naging galit na sagot ng may utang sa kanya dahil ang buong akala nito'y "SALAMAT" nalang daw yung utang niya dahil nawala narin daw sa isipan niya na may utang siya sa kanya.
"5k lang naman yun, maliit lang. Sige pag magkakapera ako, mag-antay ka lang kasi 'di mo ikakayaman yang laging paniningil mo,"
Saad naman ng OFW na kahit minamaliit lang yung halagang inutang sa kanya, aminado siyang mahirap hagilapin ngayon ang ganoong halaga.
Ito ang buong post ni Gem:
Maliit lang pala ang 5k bakit hindi mo mabayad-bayaran ang kapatid ko, kinikita mo pala yan in one day bakit nangungutang ka pa at hinitay mo pang singilin ka.
Nangungutang ka kasi nangangailangan ka noon tapos ngayon hindi ka magbabayad, eThank you mo nalang. Nangangailangan din kami ngayon. Ipapa-Tulfo kaya kitang babae ka.
#ikaw pa may utang ikaw pa matapang.
Larawan ng chat ng kapatid niya at ng may-utang:
OFW: Hi gang goodmorning.
OFW: Gang remind lang sana kita.
OFW: Maniningil sana ako, kasi in 2months nasa Pinas na ako.
OFW: Siguro nakapag-ipon kana kasi almost 2years naman na din yun, hindi ko lang iniisip. Uuwi na ako gang makikisuyo lang sana ako sa pagbayad ha, Salamat. Kahit wala ng tubo kasi ayoko ng maabala ka pa.
May Utang: Akala ko salamat nalang yun kasi nawala nadin sa isipan ko na meron pala akong utang sayo. 5k lang naman yun. Ang liit lang sige pag magkakapera ako, maghintay ka lang kasi di mo ikayayaman yang palaging paniningil mo.
OFW: 5k naliitan kana niyan gang. Mahirap na yan ngayon hanapin na halaga. Pasuyo nalang ako sa bayad ha.
OFW: Ok. Kurdapya ang utang mo, wag mong kalimutan. Pls lang maawa ka.
May Utang: Kawawa naman. Kaawan ka pa ba na may trabaho ka naman at malaki pa sinasahod mo. Babayaran kita, mag-antay ka, wag kang atat kasi di ka yayaman diyan.
***
Source: Gem Valor Visitacion
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!