TIGNAN: Limang batang ginawang 'olympic swimming pool' ang creek matapos ang bagyo, trending! - The Daily Sentry


TIGNAN: Limang batang ginawang 'olympic swimming pool' ang creek matapos ang bagyo, trending!





"ONLY IN THE PHILIPPINES!"

Hindi pa man nakakabangon ang marami sa mga nasalanta ng bagyong #RollyPH, isa na namang bagyo ang humagupit sa bansa nitong nakaraang Miyerkules ng gabi kung saan nilubog sa baha ang maraming lugar sa Luzon.



Gabi ng Nobyembre 11 nang magsimulang manalasa ang bagyong Ulysses ngunit ramdam na ramdam ang naging epekto nito dahil sa mga pinsalang idinulot nito lalo na sa mga residente ng Rizal at maraming lugar sa Metro Manila tulad ng Marikina.
Photo by ABS-CBN News

Flooded residents in Cainta Rizal


Ngunit, sa kabila man ng nararanasang sakuna at kalamidad, tunay nga na hindi maiaalis ang pagiging positibo at masayahin ng mga Pilipino.
Katulad na lamang ng video na ini-upload ni netizen Sheryl Tabien nitong Huwebes, kung saan nagbigay aliw at pinagkatuwaan ng ilang residente ang mga batang ginawang 'olympic swimming pool' ang isang creek sa kanilang lugar.


Makikita sa video ang limang batang na nagpapaligsahan sa paglangoy na hindi alintana ang panganib at sakit na dulot ng maruming tubig baha. Hindi rin magkamayaw ang sigawan at palakpakan ng ilang residente na nanunuod sa mga ito.



PANOORIN ANG BUONG VIDEO DITO: 



Ayon sa uploader, ito ay nangyari sa Brgy. Acacia, Pinagbuhatan Pasig City. 

Marami din ang natuwa at bumilib sa galing maglangoy ng mga bata at ngayo'y umabot na 22,000+ shares and counting ang viral post na ito.




Source: 1