Aso, buong tapang na lumangoy sa gitna ng baha para makapunta sa mas ligtas na lugar - The Daily Sentry


Aso, buong tapang na lumangoy sa gitna ng baha para makapunta sa mas ligtas na lugar




Dahil sa kabi-kabilang pagbaha kamakailan lamang, nanawagan sa pet owners ang mga netizen na huwag kalimutan ang mga alagang hayop kasabay ng pagsalba nila sa kani-kanilang mga sarili. 



Bunga ng panganib na dala ng bagyong Ulysses, napabayaan ng ilan ang kanilang mga alaga gaya ng aso at pusa. Kaya naman hindi na pinalad pang makaligtas sa rumaragasang baha ang mga kaawa-awang hayop.


Pero iba ang naging kapalaran ng isang asong ito na nagpabilib sa marami.


Sa mga larawan na kumalat sa social media, makikita ang pagsusumikap ng nasabing aso para makaligtas sa tiyak na kapahamakan at patuloy pang mabuhay.


Tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na tapang at lakas ng loob ng pambihirang aso nang lumangoy ito sa gitna ng napakalaking baha para makapunta sa mas ligtas na lugar at hindi maanod. 


Labis naman na ikinatuwa ng marami ang ginawa na matinding pagpupursige ng naturang hayop para maisalba ang kanyang sarili sa nakaambang panganib.


Narito ang mga larawan: