Lola, inanod matapos mapabitaw sa asawa dahil sa lakas ng baha - The Daily Sentry


Lola, inanod matapos mapabitaw sa asawa dahil sa lakas ng baha





Binalot ng lungkot ang social media dahil sa sunod-sunod na trahedyang idinulot ng bagyong Ulysses na sya ring naging mitsa ng isa pang trahedya: ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam. 


Sari-saring kwento ng pagsubok  na nakakadurog ng puso ang nagkalat ngayon online matapos ibahagi ng mga netizen ang kanilang naranasan bunga ng kalamidad. 

Isa na dito ang storya ng lola na hindi na umano pinalad pa na makaligtas  mula sa bagsik ng dambuhalang baha. 

Paglalahad ng netizen sa Twitter, tumawag raw sa kanya ang kanyang lolo dala ang masamang balita. 

Hindi na umano nakaligtas pa ang kanyang lola dahil sa sobrang lakas ng agos ng baha. Kaya naman kahit pa nakakapit ang kaawa-awang matanda sa kanyang asawa ay nagdesisyon na lamang syang bumitaw na upang hindi na masama pang maanod ang  mister nito.

Basahin dito:


Narito ang ilan sa comment ng netizens: