Ninang Rain-Rain | Mensahe sa kanya ng Kaibigan/Kumare niya |
Tila nag-iba na ang panahon ngayon, dumadami na ang mga pangyayari kung saan marami sa mga kaibigan at mga kumare na iba na ang turing at rason sa kanilang mga pinililing kaibigan at kinukuhang Ninang ng kanilang mga anak.
Tulad nalang ng nasirang pagkakaibigan nina Rain Rain at ng Nanay ng kanyang inaanak.
Humingi ng panghandang cake ang kaibigan at kumare ni Rain para sa sabay nilang kaarawan ng inaanak nito at umutang din ng pera para pandagdag sa gastos ng panghanda nila.
Dito ikinagulat ni Rain nang magsimulang magpumilit ang kaibigan at kumare niya na aniya magaling lang daw siya sa iba niyang mga kaibigan. Nagbitiw pa itong ng mga masasamang salaita na makakarma lang din daw siya pagdating ng araw dahil sa hindi pagbibigay nito at pagpapautang sa kanya.
Pero kahit pa sa mga pagpapaliwanag ni Rain sa kaibigan niya patuloy padin ang mga masasamang sinasabi ng kumare niya laban sa kanya hanggat sa pati ang Anak niya ay dinamay pa.
"Napakabastos mo na. Nagbago kana talaga. Kainin mo yang pera mo! Babayaran ko din naman sana yan. Wag kang makialam kung magpa bongga ako. Makakarma ka din dae. May karma at nakatingin ang karma sayo. Antayin mo lang. Napakabastos mo," saad ng kaibigan ni Rain.
"Magkasakit pa sana yang anak mo. Makarma pa sana yang anak mo na walang Ama," dagdag niya.
Narito ang kanyang buong post ang mga larawan ng kanilang pag-uusap:
Translation:
Friend: Dae? Rain?
Rain: Sino to?
Friend: Si Dianne to Dae. Kamusta? Nakababa na pala boyfriend mo?
Rain: Oo, matagal na Dae. Bakit?
Friend: Hindi mo ako sinabihan hahaha. Wala man lang invite. Pero Dae, meron akong sadya sayo.
Rain: Ayy. Sorry Dae 😂 Hindi ko din naman kasi alam na gusto mo pala pumunta dito. Ano yun?
Translation:
Friend: Ano kasi Dae, ganito kasi yun, birthday ko at mg anak ko, tapos diba Ninang ka niya hahaha. Baka gusto mo lang mag-donate ng Cake Dae, kahit yung 3 layers lang or 2 layers hihi.
Friend: Tapos isasabay lang kasi namin Dae yung akin at kanya. Papadalhan ka nalang namin ng mga pwede mojg iuwi mga ulam. hihi. Tapos may extrang pera kaba? Pandagdag ko lang din sana. hihi
Rain: Dae pasensya na talaga, wala talaga akong pera. Mayaman pa yung mga badjao kaysa sa akin Dae.
Friend: Hala ka. Kahit regalo mo nalang kay Inday. Hehehe. Pautang nalang ako ng 5k Dae tapos ikw nalang dun sa cake.
Friend: Mas nakakaluwag-luwag ka din kasi Dae.
Rain: Dae kung meron lang akong pera hindi naman talaga ako humihindi sa inyo.
Kagaya nung unang nagbirthday si Inday, nagpapabili ka din ng fondant cake, 2 tier fondant pa nga yun, hindi kita hinindian nun, kasi alam ko rin yung feeling na walang handa kaya umuo ako.
Translation:
Friend: Ilabas mo na lahat yang tinatago mo Dae. Pano nalang yung palayan natin nito? haha. Sige na Dae.
Friend: Para kay Inday naman to Dae.
Friend: Sabit nalang din ako diyan.
Friend: Hindi nqman na fondant hinihingi ko ngayon.
Friend: Kahit yung icing nalang. hehe.
Rain: Alam mo naman kung ano ako. Kilala mo din kung sino ako. Kung meron lang din ako, maglalabas naman ako ng pera. Marami din akong utang. Napuno kami ng bayarin Dae mula nung nagkasakit si Lolo kasi ilang beses siya naospital at naoperahan pa sa ulo dahil sa kanyang tumor, kaya sobrang laki ng mga gastos kasi dinala pa sa Cebu.
Translation:
Friend: Nakakasama ka naman ng loob Dae. Para naman tayong hindi magkakaibigan. Minsan lang din naman ako humihingi ng pabor at nanunuyo sayo.
Friend: Magaling ka lang sa iba mong mga kaibigan. Sa ibang kaibigan mong ngayon mo lang naman nakilala. Tayo na matagal na wala ka ng pakialam.
Friend: Makakarma pa naman yang mga hindi nagshashre ng blessings. May karma pa naman!
Rain: Sus! Sa totoo lang, aanhin mo naman yang matagal mo ng kaibigan kung di naman marunong mag return ng favor? Hindi naman ako nagbibilang sa inyo. Pero sa panahon na kayo ang nangaingailangan,
Friend: Napakabastos mo na. Nagbago kana talaga. Kainin mo yang pera mo! Babayaran ko din naman sana yan. Wag kang makialam kung magpa bongga ako. Arte talaga ako, alam mo yan noon pa.
Friend: Magkasakit pa sana yang anak mo. Makarma pa sana yang anak mo na walang Ama.
***
Source: Rain-Rain
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!