Sandra Lemonon, Todo Suporta kay Michele Gumabao: "Speak your Truth, Love" - The Daily Sentry


Sandra Lemonon, Todo Suporta kay Michele Gumabao: "Speak your Truth, Love"



Michele Gumabao | Sandra Lemonon | Photo credit to the owner

Matapos maglabas ng isang emosyonal na pahayag sa isang live video blog si Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up Michele Gumabao, tungkol diumano sa mga kontrobersiyang bumabalot sa nagdaang pagtatanghal, matapang na nagpakita ng suporta sa kanya ang isa pang kandidata ng MUP, na walang iba kundi si Sandra Lemonon.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Lemonon ang link ng post na iyon ni Gumabao at nagpaabot ng kanyang suporta at saloobin tungkol dito. 


Sandra Lemonon | Photo credit to the owner

Ayon kay Lemonon, naiintindihan niya si Gumabao at tama lamang na ilabas nito ang katotohanan.

Dagdag pa niya na walang sino man ang makakaintindi ng kanilang pinagdadaanan ngayon, kundi sila lamang na nakakaalam ng buong katotohanan.

Mariin niya ding sinabi na marami talaga ang natatakot na umamin na may mali sa sistema, at hindi yon kailanman magiging tama para sa kaya.

Michele Gumabao | Photo credit to the owner


"I hear and understand you.


No one will know what it feels like until you are in our shoes and had our experience. People always think they know and think it’s easy to speak the truth but it’s not,

A lot will stay silent and live in fear and abuse the system because it is working on their behalf, but that doesn’t mean it’s okay. Speak your truth, love.", Ani Lemonon

Matatandaan na nauna ng nagpahayag si Lemonon ng kanyang pagdududa sa naging resulta ng nagdaang Miss Universe Philippines 2020 pageant. Ito ay nang mag-post siya ng mga 'cryptic messages' sa kanyang Instagram stories sa diumano'y hindi niya magandang karanasan sa pageant.

Dito kanyang sinabi ang mga katagang, "Karma is real" at "We deserve justice". Nangako din siyang magsasalita at sasabihin ang buong katotohanan sa tamang panahon.

Kaya naman isang Linggo matapos ang mga pasabog na iyon ni Lemonon ay nagsalita na din si Lumabao at emosyonal na ipinahayag ang kanyang saloobin tungkol sa kredibilidad diumano ng natapos na pageant.

Sa kanyang video, sinabi ni Gumabao na mayroon siyang mga narinig at nakita na hindi niya dapat nalaman bilang isang kandidata, ngunit hindi na dinetalya pa kung ano ang mga iyon.

Michele Gumabao | Photo credit to the owner

"I heard things I never should have heard, witnessed things I never should have witnessed as a candidate." ani Gumabao.

Inamin niya din na hindi niya kinaya ang mga nalaman, dahilan kung bakit hindi na siya nakadalo sa 'viewing party' at 'pictorial' para sa top five candidates, kung saan siya ay dapat na kasama.

"I was heartbroken. I was devastated that night. I called my family and I wanted to go home.", pahayag ni Gumabao.


***

Sa tingin niyo mga kababayan, ano nga kaya ang narinig at nalaman ni Michele Gumabao na lubhang nakasakit sa kanya at sa iba pang kandidata? Meron nga kayang mali sa sistema ng nagdaang Miss Universe Philippines 2020?

SourceABS-CBN News