Nakakapanghinayang! Sangkatutak na parcel ng mga online seller, lumutang sa baha - The Daily Sentry


Nakakapanghinayang! Sangkatutak na parcel ng mga online seller, lumutang sa baha




Kung akala mo nakita mo na lahat ng nakapanlulumo na tagpo dahil sa pinsala na iniwan ng bagyong Ulysses, nagkakamali ka. 




Tunghayan ang nakakahabag na kinahinatnan ng mga parcel na ito na maaaring hindi na 'in good condition' na matanggap ng mga bumili nito online gamit ang kanilang perang pinaghirapan. 





Sa Facebook video na in-upload ni Jayson Ang, makikita ang mga nakabalot na items na nakalubog na sa maruming tubig habang ang iba naman ay lumulutang na sa mala-dagat na baha. 


Panuorin dito:




Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa pangyayari. 

Narito ang ilan sa kanilang mga komento: