Rescue para sa isang Dog Rescuer na na-trap sa Baha, Kasama ang Isang Daang Aso, Tagumpay! - The Daily Sentry


Rescue para sa isang Dog Rescuer na na-trap sa Baha, Kasama ang Isang Daang Aso, Tagumpay!



Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account

Gabi ng Miyerkules, November 11, hanggang kinabukasan, November 12, ginulantang ang buong bansa ng pagdating ng bagyong Ulysses. Matinding tinamaan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa hagupit nito.

Kabilang ang Bulacan sa sinalanta ng bagyo at napakataas na baha at isang residente doon ang sadyang nagtrending online dahil sa ginawa nito upang mailigtas ang mga alagang aso na mahigit isang daan ang bilang.


Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account

Siya ay si Bamba Concepcion, isang dog lover at rescuer ng mga aso at may-ari ng Bamba Shelter sa Brgy. Ibayo, Marilao Bulacan, kung saan bumaha diumano kahapon ng halos 9 feet ang taas., dahilan ng halos nalapit sa matinding panganib ang buhay ni Bamba, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga alagang aso.

Ginawang instrumento ni Bamba ang kanyang Facebook account upang humingi ng tulong upang mailigtas sila at ang kanyang shelter.

Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account

Kwento ni Bamba, ng bumuhos ang malakas na ulan dulot ng bagyong Ulysses, mabilis na umangat ang baha sa kanilang lugar at sila ay na-trap sa halos 9 feet na taas ng tubig. Nasa kabilang bakod diumano ang shelter ng kanyang mga alagang aso at hindi niya kakayanin iligtas lahat ng ito.

"I was trapped in an almost 9feet high na tubig. No more way passage.


Gusto kong tumalon sa terrace namin to reach the shelter but im sure mamatay ako di ako sanay lumangoy.

Anyone latang lata napo ako, maski mga aso ko na lang po ang tulungan nyo wag n kming mga taong n trap dito.",
post ni Bamba.

Kahit hindi marunong lumangoy ay sinuong ni Bamba ang shelter upang iligtas ang kanyang mga alaga, ngunit hindi niya kinaya mailigtas lahat kaya halos mawalan na siya ng pag-asa at sinabing luha at dasal na lang ang kaya niyang gawin para sa mga alaga. 

"Hanggang dito na lang ang kinaya ko ang masagip ang aso ko n anakatira sa kbilang bahay namin.

Katakot takot na tubig baha ang nainom namin ni mela maitawid lang namin si alas hanggang bahay namin.

Pagod hirap puro sugat.

Tama na po tama napo baka atakehin ako. Luha na lang ang kaya kong gawin

Mga aso ko sa shelter maawa ka na bagyo", Pagmamakawa ni Bamba.

Kaya naman sunod-sunod ang panawagan ni Bamba sa social media na sana ay marescue sila, lalong-lalo na ang mga kawawang alagang aso na malapit na din abutin ng tubig baha. Pakiusap niya na kahit ang mga alaga na lang ang irescue dahil hindi niya diumano kakayanin pagnalunod at nawala ang mga ito.

Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account


Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account


Sa awa ng Diyos ay nakarating sa kinauukulan ang kanyang panawagan at sila ay nasagip at narescue, kasama ang lahat ng alagang aso, sa tulong na rin diumano ng kanilang Mayor, mga kapit-bahay at ka-lugar. 

Ngayon nga ay nasa mabuting kalagayan na sila pati ang mga alaga na nasagip nila lahat at wala ni isa mang nawala. Kaya labis ang pasasalamat ni Bamba, sa bagong-umaga na haharapin matapos ang nakakapang-lumong sakunang dulot ng bagyong Ulysses.

Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account

Narito ang kanyang Facebook post ng pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanila:

"Sa pagmulat ng aking mga mata..
Isang mapayapang umaga ang sa akin ay bumungad..

Wala na ang ulan..wala na ang hangin na naghahampasan
Wala na ang iyak at ungol ng aking mga aso sa kawalan.

Kala ko ay katapusan na ng aming pagsasama.


Na sa loob ng anim na taon, di ko ata matatanggap na sa isang sakuna matatapos ang lahat.

Kahapon halos mga aso ko ay magkandalunod.
Di alam sino unahin..

Ang bahay ba namin na binabagyo
Tatay kong nahihilo..

O ang mga aso kong “mama mama punta kana po dito.”
May isa akong aso na trap sa bahay naming isa.

Alas ang ngalan nya..
Rescue ko lamang din ngunit mahal na mahal namin ni mela.

Mabilsang pasok ng tubig anak kong si mela ay nagpaiwan sa kanya..
Cge na mama bilisan mo lamang po, balikan mo din kami agad dito.

Naghanap ako ng mapapatungan ngunit dahil sa kanyang kabigatan,
Nagdesisiyon kami ng anak ko na kargahin na lamang.

Agaw ang aking isip iiwan ko ba sya dahil baka kami ng anak ko ang madisgrasya.
Pero alam ko alam ko talaga, dyos ay di kami pababayaan talaga.

Nahatak namin aso, maski hirap mahalaga di na sya malulunod.
Parang panaginip ako ay napapapikit..

Paano paano kung di humupa ang bagyo at sabay sabay nalunod ang buong kaasuhan..
Marahil ako ay mamamatay

Diko ata kakayanin na ang mga aso ko na aking buhay..
Ay aking makikitang nalulunod na lamang.

Ngunit dyos at aking mga kaybigan ay sadyang mahal ako talaga..
Saktuhan sila ay malulunod rescue ay nagdatingan bigla.

(Thanks to our MAYOR RS and BOKAL Alex Castro ( na nabingi ko sa aking bawat pagtawag ay may kasama pang hagulgol) buong resue team, aking mga kapitbahayan at mga kalugar na tumulong, Pamilya nila mam NIETO..sa aking mga kaybigan sa fb na sabay sabay na kumalampag ng pagtawag ng tulong..SALAMAT SALAMAT PO) 

Naubos man aming mga gamit..
Mahalaga ..apat na myembro ng aking pamilya ay kumpleto 

At ang isandaang mahigit na bilang ng aking mg aso ay kumpleto.
Masakit man ang kaing katawan, 

Nilagnat ngayung kinabukasan..
Wala ng saya pang makakapantay sa pagbukas ng pinto ng aking asuhan..

Sila lahat ay buhay..
Maglalaro na muli ngayong araw..

At malayo na sila sa haging na kamatayan.
Salamat salamat Panginoon sa bagong umaga...

Kami na muli ng aking mga aso ay magtatakbuhan...
At panibagong yugto ng aming buhay na kami ay ligtas na malayo na sa
sakuna.

Ang paglagpas namin sa trahedya kahapon ay maituturing kong #happyendings naman talaga
#anotherlife
#happyendings
#noonewillbeleftbehind
#Dikokayokayangiwan"



Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account


Photo credit to Bamba Concepcion's Facebook account