Afam na Kano ipina-Tulfo ang dating nobyang Pinay, nais bawiin ang kalahati ng naibigay na umaabot sa P3M - The Daily Sentry


Afam na Kano ipina-Tulfo ang dating nobyang Pinay, nais bawiin ang kalahati ng naibigay na umaabot sa P3M



Screencap photos from Raffy Tulfo Wanted sa Radyo 



Hindi lang mga kababayan natin ang nagiging biktima at humihingi ng tulong para mabawi ang magkatuwang na naipundar mula sa nasirang relasyon.


Sabi nga sa isang pelikula, "wala naman daw talagang forever" sa isang relasyon. Ito ang idinulog sa programa ni Raffy Tulfo ng Amerkanong na si Thomas Martin at inirereklamo niya umano ang dating nakarelasyon na ating kababayan na si Jiezha Manguilimotan. *



Ayon sa salaysay ni Thomas sa nasabing programa, nais umano ng amerikano na bawiin ang ₱1.5 million na naibigay umano niya kay dating nobya o kalahati ng 3 milyong piso. 


Kwento pa ng 64 years old na amerikano, nasa mahigit na ₱3 million talaga ang halagang naibigay niya sa dating kasintahan ngunit kalahati na lamang daw umano nito ang kanyang babawiin. 


Ayon pa kay Thomas, kahit nagawa pa umano ni Jiezha na pagnakawan siya mga alahas at maging malaking halaga ng pera. 


Nagkalabuan na ang kanilang relasyon dahil na din sa madalas nilang pagtatalo at hindi pagkakaunawaan, kaya nauwi na sa hiwalayan ang dalawa. 


Sa kabila nito, marami nang naipundar ang dayuhan para sa dating karelasyon. Nariyan na nga na napatayuan na niya ito ng bahay kung saan kasama nitong naninirahan ang mga kaanak ni Jiezha. Bukod pa dito, nabilhan na rin niya ito ng sasakyan. *



Screencap photos from Raffy Tulfo Wanted sa Radyo 


Sa panayam naman ni sir Raffy sa kasintahang Pinay, ipinaliwanag nito na ang dating karelasyon na Amerikano ang hindi na umano nakikipag-usap sa kanya ng maayos. 


Pinabulaanan rin nito ang mga akusasyon sa kanya ni Thomas na nagnanakaw umano sya ng pera at alahas sa dating nobyo. Ang mga nasabing pera ay itinatabi lamang nya para pambayad ng kanilang mga bills at iba pang pangangailangan sa pang araw araw. 


Napag alaman din ni Jiezha na mayroon ng ibang kasintahan ang amerikano kaya naisip niya na ito ang dahilan kung bakit hindi na ito nakikipag-usap sa kanya. 




Dagdag pa ni Jiezha, madalas silang magtalo kahit sa maliit na bagay lamang, mula umaga hanggang sa madaling araw. At ang amerikano mismo ang nagbibigay sa kanya ng mga alahas para suyuin ang pinay. *


Screencap photos from Raffy Tulfo Wanted sa Radyo 



Kay Jiezha rin daw nakapangalan ang titulo ng bahay dahil wala namang karapatan ang dayuhan na mag may ari ng lupa sa ating bansa. Sa pagkaka alam pa ni Jiezha na regalo sa kanya ito ni Thomas upang dito na sila manirahan kapag sila ay kinasal na.


Sa pagtatapos ng kanilang usapan, napagkasunduan ng dalawang panig sa tulong na din  ni sir Raffy na ibenta na lamang ni Jiezha ang bahay at sasakyan na naipundar ni Thomas sa kanya at kanila na lamang paghahatian ang perang napagbentahan. 


Bagaman dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, mahihirapan umano silang makahanap ng buyer para sa kanilang bahay. Nais din ni Jiezha na makihati sa mapagbebentahan ng sasakya. Yun nga lang dahil sa hindi pa sila kasal kaya wala pang karapatan ang pinay makihati sa ari arian ng dayuhan.



Nais pa sanang pag ayusin ni Tulfo ang relasyon ng dalawa ngunit tumanggi ng makipagbalikan ang Kano sa nobyang Pinay.*



Screencap photos from Raffy Tulfo Wanted sa Radyo