Grab Rider, ibinahagi ang ginawa ng customer matapos umorder ng mga pagkain para ibigay sa mga pulubi - The Daily Sentry


Grab Rider, ibinahagi ang ginawa ng customer matapos umorder ng mga pagkain para ibigay sa mga pulubi



 

Larawan mula kay Daniel Chua

Viral sa social media ang post ng isang Grab Food Rider na si Daniel Chua kung saan ibinahagi nito sa kanyang Facebook account ang kanyang naging karanasan matapos may isang butihing customer na umorder ng pagkain upang ipamahagi sa mga taong kalye na walang handa ngayong Pasko.


Ayon kay Daniel, dati umano siyang photographer sa mga event ngunit humina na ang kanyang kita dahil sa umiral na lockdown sa bansa.


Para kumita at mabuhay ang kanyang pamilya ay naisipan ni Daniel na tahakin ang pagiging Grab Food Rider, at dito nga niya nasaksihan ang kabutihang loob ng isa sa kanyang naging customer na nakilalang si Nico.

Larawan mula kay Daniel Chua

"Since Lockdown ng nawala ang mga event at walang shoot as Photographer, si Grab ang naging daan para kumita at buhayin ko pamilya ko.." ayon kay Daniel.


Pagbabahagi ni Daniel, nitong Pasko ay mas pinili niyang magbyahe para kumita para may pang dagdag siya sa gastusin sa kanyang pamilya at laking pasalamat nito matapos matapat sa kanya ang isang napakabuting customer.


"Pero Ngayon Pasko pinili ko Magbyahe kesa walang gagawin sa Bahay...Thank God at ginawa akong Instrumento para maghatid ng mga pagkain para sa mga taong kalye." ayon kay Daniel.


Kwento ni Daniel, malaki ang pasalamat niya matapos may mag-book sa kanyang customer at may order na 40 pirasong hamburger na para sa mga taong kalye.


"May nagBook at sakin pumasok ang 40 pcs na Hamburger at ipamigay sa mga nanglilimos , kung sino ka man sir NICO God bless you and your family saludo po ako sa inyo at Thank you sakin pumasok un order mo." kwento ni Daniel.


Basahin ang buong post ni Daniel sa ibaba:


"Since Lockdown ng nawala ang mga event at walang shoot as Photographer, si Grab ang naging daan para kumita at buhayin ko pamilya ko.. 


"Pero ngayn Pasko pinili ko magbyahe kesa walang gagawin sa bahay... Thank God at ginawa akong instrumento para maghatid ng mga pagkain para sa mga taong kalye., may nagBook at sakin pumasok ang 40 pcs na hamburger at ipamigay sa mga nanglilimos, kung sino ka man sir NICO God bless you and your family saludo po ako sa inyo at Thank you sakin pumasok un order mo 🙂 Thank you din Grab GrabFood PH at naging kapartner nyo ako, Thank you kay Lord sa lahat ng Blessing na nabigay nya sakin... Merry Christmas Everyone.. Happy Birthday Papa Jesus 🙏🙏🙏 Proud Grab Rider❤️"

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Larawan mula kay Daniel Chua

Kaagad naman na nahanap ang pagkakakilanlan ng lalaking nagbook kay kuya Daniel at nakilala ito bilang si Nico Figuerao.

Larawan mula kay Nico Figueroa
Basahin ang kanyang Facebook post sa ibaba:


"my Christmas wish this year came true with the help of one of GrabFood PH’s riders!


"kuya helped me in giving burgers to street children. i included a cheese burger meal for kuya and even gave him a tip.


"i really had no intention of posting this, but what happened today really made me happy. i even cried when i saw the first picture gave me. my heart is full!


"Merry Christmas to y’all!


****


Source: Daniel Chua