


![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
Naging tradisyon na ng marami sa mga Pinoy ang paghandaan ang mga masasarap na pagkain para sa salo-salo ng buong pamilya, sa kahit na anumang mga okasyon, fiesta, binyag, kasal, kaarawan, pasko at iba pa.
Hindi diyan mawawala ang katakam-takam na Lechon sa handaan, medyo mahal man pero dahil sa minsanan lang naman para sa pinakaaantay na okasyon ay pinaglalanan talaga.
Ibinahagi ni Chona Batiancila ang nakakadismayang experience niya sa kanyang inorder dahil, ang imbes na masarap sana na pagsasalo-salo ay nauwi sa disappointment dahil sa kakaibang itsura ng lechon na idineliver sa kanila.
"Hindi ko alam kung anong klaseng baboy eto. Sa halagang 5,500, eto lang pala ang mapapala namin. Sobrang disappointed ako mam!!!Yong excitement naging disappointment!!" saad ni Chona sa kanyang post.
![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
Kung sa iba ay mga masasarap na seafoods at buong karne ng manok ang pinapalaman sa loob ng lechon, ang natanggap nila ay puro mga isiniksik na mga dahon ng saging.
Sa mga larawang ibinahagi, kabaligtaran sa pagkatakam ang iyong mararamdaman dahil sa sobrang tuyo at humpak na katawan ng lechon.
Narito ang buong post:
Shout out po sa Mira's Lechon ng Tunasan Muntinlupa. Eto po ang diniliver nyo sa akin nung Dec 24.
Hindi ko alam kung anong klaseng baboy eto. Sa halagang 5,500, eto lang pala ang mapapala namin. Sobrang disappointed ako mam!!!Yong excitement naging disappointment!!
![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
![]() |
Photo Courtesy: Chona Batiancila |
***
Source: Chona Batiancila
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!