Dating kasintahan ibinahagi kung gaano kabait, supportive na tao si Christine, taliwas sa panghuhusga ng marami - The Daily Sentry


Dating kasintahan ibinahagi kung gaano kabait, supportive na tao si Christine, taliwas sa panghuhusga ng marami



Larawan mula kay Martin Vigilia 


Naging mainit na pangyayari at usapin ang sinapit ni Christine Dacera, ang nasawing flight attendant noong pagsalubong ng bagong taon, at magpahanggang ngayon ay ‘di parin malinaw ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala.

Marami agad ang humusga sa kanyang pagkakatao, dahil lamang sa mga lumabas at kumalat na mga videos sa social media.

Ngunit sa mga nakakakilala kay Christine, sa mga pinakamalapit na mga kaibigan na parang magkakapatid na ang turingan, pinabulaanan nila ang mga masasakit na mga salitang binitawan ng marami laban sa kanilang kaibigan.

Kilala nila si Christine bilang ay isang masayahin, supportive, mabait at maalalahaning kaibigan.

Katulad nalang ng isang post na ibinahagi ng dating kasintahan ni Christine na si Martin Vigilia sa kanilang huling usapan.




Makikita sa mga kalakip na mga larawan, na tila hiwalay na ang dalawa ngunit suportado parin ang isat-isa.

“Please be happy. Im gonna find my happiness soon. Take care beb.” mensahe ni Christine kay Martin.

Gusto din ng dating Flight attendant na marinig niya si Martin na magkukwento tungkol sa kanyang bagong karelasyon, upang makikilala niya ang taong bagong mag-aalaga dito. 

“I wanna hear you talk about her, please.” Para lang makilala ko sino yung mag-aalaga sayo.” dagdag na mensahe ni Christine.

Hangad naman ni Martin ang kaligayahan ng dating girlfriend “you’ll be happy too stay safe always and sana magkita parin tayo pag matanda na tayo ha. You rest na.”

Dumalo si Martin at ang kanyang bagong girlfriend sa burol ni Christine, pagpapakita ng pagmamahal kahit sa mga huling sandali.





Kaliwat kanan man ang mga panghuhusga na natanggap ni Christine, hindi maitatago na isang mabait at supportive siyang kaibigan ng lahat. 

Marami sa mga netizen ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay at reaksyon tungkol sa nasabing post:


This hits me! Tagus na tagus. Na kahit wala na sila yung respect at good relationship andun parin. Andun pa rin yung love kahit na in a different way na. - @Madara 

Super different sa impression na "wild" sya.  I'm sorry i did judge her based on others impression about her I'm really sorry again. Condolence ­čÖĆ - @Flaxier 

U let go of the person to make them happy even if ur not. Coz time will come, they will be celebrating with u because of how happy u become. - @Bernita 


***

Source:  Martin Vigilia

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!