Babaeng nabuntis ng sariling ama, humingi ng tulong na wakasan ang ginagawa ng kanyang ama - The Daily Sentry


Babaeng nabuntis ng sariling ama, humingi ng tulong na wakasan ang ginagawa ng kanyang ama



Larawan mula kay Nits Nits

Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Nits Nits kung saan ay humihingi ito ng tulong na mabawi ang kanyang anak na babae mula sa kanyang sariling ama.


Ayon sa kanyang post, humihingi siya ng tulong na maiparating ang kanyang post sa istasyon ng Raffy Tulfo in Action upang mabigyan siya ng tulong na mabawi ang kanyang anak mula sa tatay nitong si Don Elicaño Millare.


Pagbabahagi ni Nits, 11 buwan palang ang kanyang babaeng anak at sa kadahilanang wala siyang trabaho kung kaya kinuha ng kanyang tatay ang kanyang anak na siya ring nakabunts sa kanya.

Larawan mula kay Nits Nits

"Manghihingi po sana ako ng tulong sainyo na maiparating po ito kay #raffytulfoinaction na ito pong taong to na si Don Elicaño Millare ay hawak po ang anak ko 11 months pa lamang po. At ayaw po ibigay sakin sa dahilanan na wala akong trabaho." ayon kay Nits.


Pahayag pa ni Nits, kinausap na niya umano ang kanyang tatay na si Don na ibalik na ang kanyang anak upang hindi na humantong sa ganitong pagpost sa Facebook ngunit hindi umano siya nakinig.


"Tatay ko po yan, at binunts po ako ng sarili kong ama. Kinausap ko napo sila na ibigay nalang ang aking anak para hindi humantong sa ganito. Pero hindi sila pumayag. Kaya dinaan ko po sa ganito." pahayag ni Nits.

Larawan mula kay Nits Nits

Depensa pa ni Nits, babae ang kanyang anak at ayaw niyang matulad ito sa nangyari sa kanya na baka dumating ang araw ay gawin din sa kanya ang sinapit nito mula sa kanyang ama.

Larawan mula kay Nits Nits

"Pag hinayaan ko kasi na nasa kanila lang, baka maulit lamang ang ginawa nya sakin dahil babae ang aking anak." ayon pa kay Nits.


Basahin ang buong post ni Nits sa ibaba:


"Manghihingi po sana ako ng tulong sainyo na maiparating po ito kay #raffytulfoinaction na ito pong taong to na si Don Elicaño Millare ay hawak po ang anak ko 11 months pa lamang po. At ayaw po ibigay sakin sa dahilanan na wala akong trabaho. 


"Tatay ko po yan, at binunts po ako ng sarili kong ama. Kinausap ko napo sila na ibigay nalang ang aking anak para hindi humantong sa ganito. Pero hindi sila pumayag. Kaya dinaan ko po sa ganito.. At sana makarating po kay raffy ito. Pag hinayaan ko kasi na nasa kanila lang, baka maulit lamang ang ginawa nya sakin dahil babae ang aking anak.

Larawan mula kay Nits Nits

"Parang awa nyo na po. Tulungan niyo po ako na maiparating to kay #Raffytulfoinaction Wala napo akong malapitan.. Naaawa na po ako sa anak ko. Sana matulungan niyo po ako. Salamat po.


Sana ay mabigyan ito ng pansin at maidulog sa istasyon ni Raffy Tulfo upang mawakasan na ang maling ginagawa ng kanyang ama.


Sa comment section ni Nits Nits ay mayroong isang netizen na nagpakilala na si Danna Ashley na isang step sister umano ni Nitz at ipinagtanggol niya ang kanyang ama mula sa mga paratang ni Nits.


Basahin sa ibaba ang buong post ni Ashley:


"I am here to correct all the accusations made by Donita Tampos Millare (nits nits)  against our father, Don Elicaño Millare.

Larawan mula kay Danna Ashley

"Since halos lahat naman alam na yung nangyari, di na namin itatago.

 

"Gusto lang namin malaman nyo na lahat yung pinost ni Donita ay hindi totoo. And please lang, wag natin sila husgahan dahil silang mag-ama ang parehas na nagdesisyon about sa relasyon na meron sila. Hindi totoo yung sinabi nya na nirpe sya, hindi totoo na ayaw namin ibigay ang bata. In fact, nung nagsabi sila kay Danica na ihanda daw yung mga gamit nila dahil kukunin nila pati na si Dianne, yung baby. Hinanda din namin agad ni Ate Norma yung mga gamit nila. Kinabukasan nun hanggang ngayon hindi sila nagpunta. Nagsabi pa sila na sa barangay na lang magharap at dun nila kukunin yung bata pero hindi naman sila nagpunta. Kung mapapansin nyo yung comment ng pinsan nya, inamin nila na ginusto ni Donita yung nangyari so meaning hindi talaga totoo na pinagsamntalhan sya. Honestly, year before sya magkaron ng unang anak, gumawa din sila ng gulo, sinabi nya din na nirpe sya ni Papa pero hindi napatotohanan yun kasi yung araw na sinasabi nyang ginawa yun sa kanya ni papa, wala sya nun dito sa bahay. Tapos nabuntis yan, ang tatay yung jeepney driver, ang alam namin nakikisakay sya sa mga jeep, tinulungan pa namin sya para mahanap yung lalaki para mapanindigan sya yun pala sabi sa barangay nun may asawa at anak yung lalaki. Simula nung nanganak sya, nagbibigay din kami ng diaper, gatas at mga pagkain ni Drake, yung una nyang anak. Hanggang sa ganyan nga ang nangyari, at yung sinasabi nila na kinunsinti namin sila? Sila ang unang nakapansin at may alam tungkol sa relasyon nila pero bakit wala silang ginawa? Yung araw na tinulungan namin si Donita na makabalik ng Cavite bakit hinayaan pa nila na makabalik dito? Sa kanila na din naman nanggaling na kahit pilitin nila si Donita na sumama sa kanila, di sasama yung tao at mamimilit sumama kay Papa. Actually, lahat ng utang ng nanay nya binayaran ni lolo para lang umalis na sila dun sa tinitirhan nila at kumuha si lolo ng uupahan nilang pamilya, before sila mahanapan ng mauupahan, si Donita at si kuya ay dito tumira sa bahay. Nung nakalipat sila, di nagtagal inaway ni  Donita yung nanay nya at pinaalis sa bahay na yun tapos dun sila tumira ni Papa, dun pa lang nahahalata na nila yung relasyon ng dalawa pero wala silang ginawa, hinayaan lang nila. Nung umalis na din sila Papa at Donita dun sa bahay na pinaupahan sa kanila, nakiusap sila na makituloy samin, kinupkop namin sila ng kalive-in ko nun. Tinulungan namin sila at ang una nyang anak. Nung umalis sila sa bahay at bumalik kela Lolo, naiwan samin yung anak nya, kami ng kalive-in ko ang nag-alaga. Huling beses na umuwi ng Cavite, kasama na nya si Drake, pero iniwan nya na dun at bumalik na naman sya kay Papa. Nung nanganak si Donita kay Dianne, hinayaan na lang sila dahil kung papaalisin dito ay wala naman silang mapupuntahan at malalapitan ng tulong para sa anak nila. Halos araw-araw pa pinagluluto ng lola namin si Donita ng pagkain na may sabaw para magkagatas sya sa kanya yung bata kaso di nya kinakain kaya simula nung pinanganak yung bata, palaging sa bote.


"Pare-parehas tayong may mali dito. Pare-parehas tayong di napigilan sila. Ginusto nila yan, mali pero pinanindigan nila yung relasyon nila. Concern nyo yung bata? Eh kung ibibigay ba kay Donita, maaalagaan ba ng maayos? Eh dito nga kami din nag-aalaga dyan sa anak nya. Eh kung magkaron sya ng bagong boyfriend, edi iniwan na naman nya sa mga kamag-anak nya yung bata? 


"Uulitin ko, hindi sya nirpe. Wala din kaming sinabi na hindi ibibigay si Dianne at yung mga gamit nila, hinihintay makuha dito.


Kung ikaw ang tatanungin kabayan, ano ang iyong opinyon sa usaping ito, maging malaya sa pagpapahayag sa komento upang mabigyang lunas ang nasabing usapin.

****


Source: Nits Nits