Isang lalaki hinahanap pa rin ang kapwa pasaherong babae na napahilig noon sa kanyang balikat: 'Isang taon na pero di pa rin kita matagpuan' - The Daily Sentry


Isang lalaki hinahanap pa rin ang kapwa pasaherong babae na napahilig noon sa kanyang balikat: 'Isang taon na pero di pa rin kita matagpuan'



Larawan mula sa Facebook ni Arvee Estacio



Kakaiba talaga ang saya sa pakiramdam, sa tuwing nakakasakay tayo sa jeep, ang pambansang pampublikong sasakyan sa Pinas, tatak Pinoy ika nga.

 

Madami kang masasaksihan sa iyong paligid bukod sa makikita mo ang ganda ng kapaligiran, makakasalamuha mo din ang iba’t ibang klase ng tao na kapwa pasahero mo sakay ng jeep.  *


  

Halos lahat tayo ay may kanya kanyang nakaka aliw na experience sa pagsakay ng jeep, maging ang mga turistang banyaga ay makaka relate dito.

 

Gaya na lamang ng kwento ng isang netizen ang nagpost ng naka katuwang karanasan nya isang umaga sa loob ng pampasaherong jeep nang makatabi nya ang isang babae.

 

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Arvee Rivera Estacio, isang taon na ang nakakaraan mula ng makatabi nya ang isang binibini sa loob ng jeep nang hindi nito namamalayan na naka sandal at naka hilig na pala ito sa kanyang balikat.

 

Kaya naman naisipan niya na kunan ng litrato ang sandalling iyon at kanyang ipinost sa kanyang Facebook upang magpasalamat sa babae dahil kahit sa maikling oras ay naransan nyang magka nobya, pabirong sambit ng binata. *

 

“Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo sa akin na kahit sandali lang nagka-jowa ako. Sarap ng tulog mo eh, ayaw ko na yatang pumara,” ani Arvee sa kanyang Facebook post at nag-viral ito noong nakaraang taon.

 

At ngayon ay muli itong nagpaalala sa kanya makalipas ang isang taon pero hindi pa rin niya nakikita ang nasabing babae sa pabirong caption nito. At muli ay kinagiliwan ng mga netizen ang naturang post ni Arvee.


 

“See your memories” ayon sa notification post ni Facebook at muling nagviral ang post nyang ito kasama ang babae. Parang anniversary lang ang peg ni Arvee sa kanyang katabing babae, “isang taon na pero di parin kita matagpuan,” ani sa caption.

 

Muling namang kinaaliwan ito ng mga netizens at umani  ng iba’t ibang reaksyon. Ang iba ay hindi na napigilang magbahagi ng kanilang memorable na experience sa mga nakasakay nila sa jeep. *

 

“Naalala ko lang date medyo same eh pauwi ako ng makati from laguna .. tuwing sabado umuuwi ako ng makati at tuwing sabado rin may nakaka sabay ako ng bus at same seat kame lagi ang weird lang haha 3times pa nang yare “

 

"Ahahaha nakakahiya pero matatawa ka nalang pag naalala mo. Dun sa nakatabe ko sa jeep pasensya na din kuya natuluan ko pa ng laway braso mo.(24hours kse ako halos walang tulog nun) todo punas ako braso mo ahahaha alcohol ko pa yan ahahaha. Akala ko nun magagalet ka, nakangiti ka pa! Kamusta kna kaya?”

 

“Naalala ko yung guy na nasandalan ko dahil nakatulog ako. Juskoo bigla sya umusog na out of balance tuloy ako,”


 

Sa kabilang banda, hindi lahat ng pagkakataon ay may ganitong nakakatuwang eksena sa loob ng pampasaherong jeep. Minsan naman ay may hindi mga kaaya-ayang pangyayari kaya doble ingat na lang din sa tuwing nasa pampublikong sasakyan o saan mang pampublikong lugar. *