Lolo na nag-celebrate ng kanyang kaarawan mag-isa sa isang fast food chain, kinaantigan ng puso - The Daily Sentry


Lolo na nag-celebrate ng kanyang kaarawan mag-isa sa isang fast food chain, kinaantigan ng puso



 

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

Ang birthday o kaarawan ay isa sa pinakamahalagang idinadaos taon-taon dahil ito ang araw ng anibersaryo ng kapanganakan ng isang tao. Ginagawa ang isang kaarawan sa pamamagitan ng pagdiriwang kung saan ay nagtitipon-tipon ang isang pamilya at mga kaibigan nito.


Ganun pa man, viral sa social media ang post ng isang netizen na si Trixie Ann Eras Manuel, kung saan ay ibinahagi nito sa kanyang Facebook account ang isang tatay na nag-celebrate mag-isa ng kanyang kaarawan sa isang fast food chain.

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

Sa pagbabahagi ni Trixie, sobra siyang nalungk0t nang makita niya si tatay na nagdaraos ng sarili nitong kaarawan mag-isa ni wala manlang kasamang kapamilya o kaibigan.


Ayon pa kay Trixie ay ngayon pa lamang siya naka-saksi ng ganito sa buong buhay niya na akala niya ay sa mga tele-drama lamang ito nangyayari.


"Sobra akong nalungkt nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko. Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi.." ayon kay Trixie.


Si tatay ay napag-alaman na nag-celebrate ng kanyang ika-69 taon ng kanyang kaarawan habang ipininapakita niya ang kanyang handa sa kanyang asawa at mga anak sa pamamamagitan ng pag-video call sa telepono.

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

"Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa't mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkt ang bumabalot sa aking puso." pagsasaad ni Trixie.


Hiling naman ni Trixie na nawa'y mabigyan pa ng Panginoon ng lakas si Tatay upang harapin pa ang mga pagsubok sa buhay.


"Para sa iyo Tatay nawa'y bigyan ka pa ng panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay." ayon pa kay Trixie.

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

Maraming netizen ang naantig sa post na ito ni Trixie at marami din ang nagpahatid ng pagbati kay tatay.


Basahin ang buong post ni Trixie sa ibaba:


"Sobra akong nalungkt nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko. Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi.. Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon ng mag-isa at walang kasama. 

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

"Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa't mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkt ang bumabalot sa aking puso. 


"Para sa iyo Tatay nawa'y bigyan ka pa ng panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay. Mag-iingat ka po lagi Tay ..MALIGAYANG KAARAWAN PO SA IYO TATAY AT PAGPALAIN KA.. 

Kahit mag-isa man na nag celebrate ng kaarawan si tatay ay hindi ito naging hadlang para siya ay maging malungkot at magmukmok na lamang bagkus ay makikita pa ang saya sa kanyang mga mukha.


Napagalaman sa isang komento ng netizen na nagpakilala na kapitbahay ni siya ni tatay at tinatawag nila siyang kuya zumba dahil mahilig daw itong mag-zumba at nasa ibang bansa raw ang kanyang pamilya.

Larawan mula kay Trixie Ann Eras Manuel

"Pinakita ko sa anak ko yung picture, Sabi Nila c Kuya zumba yan ma ah,same din tingin ko,kung di kami ngkamali kapitbahay namin yan.Nasa ibang bansa pamilya Niya xa lang andito.may mga paupahan sila.mahilig yan xa magzumba kaya Kuya zumba tawag namin..bumili yan ng pandesal ka samin kanina, birthday pala Niya." ayon sa netizen.

Basahin pa sa ibaba ang ilang komento ng netizen:


"san po kaya mang inasal to? Dpat satin nlng xa sa function sakto may mga baloons pa sana.. nyahaha"


"Talagang ganon ngayon magkakalayo na ang pamilya buti noong panahon sa probinsya hanggang pagtanda magkakasama kahit simple lang ang buhay

****


Source: Trixie Ann Eras Manuel