Magnanakaw na patong-patong ang reklamo at kaso "nakakawala/pinakakawalan" dahil menor de edad - The Daily Sentry


Magnanakaw na patong-patong ang reklamo at kaso "nakakawala/pinakakawalan" dahil menor de edad



Larawan mula kay Andrea Caryl Manas

Marami sa mga sindikato ngayon ang malalakas ang loob gumamit ng mga kabataang o mga menor-de-edad upang maisagawa ang kanilang mga masasamang gawain.

Gamit na gamit ang mga kabataan ngayon sa mga pagnanakaw, snatching, at pagtutulak, dahil sa malalakas ang loob dahil ligtas umano sila sa mga hulihan. 


Katulad nalang sa post ni Andrea Caryl Manas, kung saan isang menor-de-edad ang nagnakaw sa kanyang mga mahahalagang gamit. Siya rin ang parehas na magnanakaw ang dumali sa kanilang sasakyan 3-taon na ang nakalipas. 





Paulit-ulit nadin umano itong nahuhuli sa parehong mga dahilan, ang pag-aakyat bahay at pagnanakaw ng mga gamit na pwede nilang maibenta. 



Ngunit kahit pa ito’y suki na sa nakawan, at patong-patong na ang mga nakahain na reklamo at mga kaso ay nakakalabas lang din ito dahil sa kanyang pagiging menor-de-edad. Konting pangaral lang at nakakawala o pinapakawalan din. 


“Ito yung magnanakaw na pumasok sa bahay namin habang tulog kaming maganak nung December. According to him may kasama daw siya at apat sila.


As per brgy, madami na din reklamo at kaso sa batang to pero nakakawala/pinakakawalan daw.” 


Halos wala din daw itong mga takot mambiktima ng mga tindahan at dumadayo pa ng ibang lugar para magnakaw.


“Sobrang wala na syang takot kasi dinale nya yung muslim market dito samin nung kakabukas lang nagnakaw ng mga cellphone na paninda.


"Nagviral din daw sa san jose del monte. Ayos pala ah dumadayo pa talaga."



Narito ang kanyang buong kwento: 




LUPIN NG GARAY.


Ito yung magnanakaw na pumasok sa bahay namin habang tulog kaming maganak nung December. According to him may kasama daw siya at apat sila. 


As per brgy, madami na din reklamo at kaso sa batang to pero nakakawala/pinakakawalan daw. We also dont know kung san nanaman sya dadalhin ngayon. 


Puro kasinungalingan lang sinasabi nya pag tinatanong sya. Binenta lang daw nya ng Php500 yung mga gamit namin. T***i** di ba sana all nakakabili ng Macbook Pro ng Php500.00 lang. T***i** talaga. 


😤 Beware lang kasi may mga kasama sila and mukang hopeless case kasi mukang someone is behind them. Sa crossing DAW sa Garay ang bentahan ng mga nananakaw. 


Sila din daw dumali sa sasakyan namin nabuksan nila 3yrs ago and nahuli din namin magnanakaw ng culls. Ayaw talaga maglubay samin. Tsk. 


May mga dala din syang par*ph*rnalia just in case siguro mahuli sya sa akto. P*p*tay na din to sa totoo lang. Kaso menor de edad at may proteksyon. 😤


sobrang wala na syang takot kasi dinale nya yung muslim market dito samin nung kakabukas lang nagnakaw ng mga cellphone na paninda. Ayaw din ikanta mga kasama nya. Inaaning lang kami pag tinatanong sya. Imagine tinanong namin sino kasama nya:


me: anong pangaln ng kasama mo?

him: justin

me: justin ano

him: justin bieber

Ahmed Cruz Marohombsar: p*tang*na mo map*p*tay kita ginag*go mo pa kami t*ng*na ka. kung alam mo lang pagpipigil ko p*tang*na ka


Ang sarap lump*hin sa hampas ng hanger. 😤



Update: may nagpm po sakin, may tao daw talaga na justin bieber na kilalang magnanakaw. idk kung real name o code name nila ganyan. Nagviral din daw sa san jose del monte. Ayos pala ah dumadayo pa talaga. 😒 


6pm update: kagabi pala limang bahay ang pinasok. matinik talaga.


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!