Nasawing Cabin Crew ng PAL biktima umano ng set-up, masayang FB live nito kumalat din sa social media - The Daily Sentry


Nasawing Cabin Crew ng PAL biktima umano ng set-up, masayang FB live nito kumalat din sa social media




Larawan ni Dacera mula sa kanyang Instagram post



 Hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng isang flight stewardess ng Philippine Airlines (PAL) matapos itong matagpuang wala nang buhay sa isang hotel sa Makati nitong Enero 1.


Ayon sa mga ulat, sinasabing si Christine Dacera, 23, ay nakipag party umano sa mga kasamahan nitong cabin crew din sa isang hotel sa Makati.



Naging biktima umano si Dacera ng set-up ng mga kakilala nito na nag rent ng dalawang kwarto sa City Garden Hotel.


Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing rin na hindi alam ng nasabing cabin crew na marami pala silang mag titipon-tipon noong araw na iyon.


Kasama umano nito ang mga kasamahan sa trabaho na sina Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at John Dela Serna na nagcheck in sa nasabing hotel.


Ayon kay Galida, pagkatapos daw ng kanilang selebrasyon sa pagsalubong sa bagong taon, nagising umano siya mga bandang alas 10 ng umaga at nakita niyang parang tulog si Dacera sa bathtub. Kinumutan pa daw niya ito at saka natulog muli.



Makalipas pa ang ilang oras, nagising uli si Galida at doon niya napansin na kulay asul na ang dalaga.*


Larawan ni Dacera mula sa kanyang Instagram post


Dinala pa daw ito sa clinic ng hotel upang bigyan ng pang unang lunas o CPR ngunit hindi na ito nagising pa muli. Saka umano ito dinala sa Makati Medical Clinic, kung saan dineklara itong dead on arrival.


Ayon naman sa inisyal na imbestigasyon, tinutukoy pa talaga ang tunay na dahilan ng pag kasawi ni Dacera, kung ito ba ay dahil sa alcohol na nainom nito at kung ito ba ay nahaluan ng pinag babawal na gam0t. Ngunit lumalabas na aneursym daw ang secondary na dahilan ng pagkasawi nito.


Marami din umanong nakitang sugat at p@sa sa katawan ng biktima na maaaring sanhi ng pagkawala nito.

Larawan ni Dacera mula sa kanyang Instagram post


Naging laman din ng social media ang isang video kung saan masayang pinagdiriwang ni Dacera ang pasko kasama ang mga mahal nito sa buhay.


Nahuli na umano ang tatlo sa mga suspek sa kasong ito.