PANOORIN: Mga bagong CCTV footage sa hotel hallway na nakita si Christine Dacera - The Daily Sentry


PANOORIN: Mga bagong CCTV footage sa hotel hallway na nakita si Christine Dacera




Iba't ibang video ang kumalat sa social media patungkol sa nangyaring pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa City Garden Hotel sa Makati nitong nakaraang mga araw.

Sa panibagong video na inilabas na kuha sa hallway ng nasabing hotel noong December 31 hanggang kinabukasan nito, nakuhaan sa CCTV ang maka-ilang beses na paglabas-masok at paglipat ni Dacera mula sa kanilang kwarto (Room 2209) patungo sa kabilang kwarto (Room 2207) kasama ang ilan niyang mga kaibigan.

PANOORIN ANG VIDEO NA ITO:






 





Samantala nitong Miyerkules, humarap sa media ang apat sa mga inirereklamo kaugnay ng kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant. Giit nila, walang r@pe na nangyari at natural causes ang sanhi ng pagkamatay ng 23-anyos na dalaga na itinuturing nilang kaibigan. 

"Gusto ko lang po sabihin sa family ni Tin, alam ko po mahirap sa inyo 'yung nangyari. Hindi gano'n kadali mawalan ng anak at alam kong hindi maganda ang nanay ang naghahatid sa anak sa huling hantungan.. Pero sana naiintindihan niyo rin po 'yung grieving process namin na hindi po gano'n kadaling mawalan ng isang matalik na kaibigan. Not only a kaibigan, but our baby sister," pahayag ni JP Dela Serna.

Dagdag naman ni Clark Rapina na isa niya ding kaibigan, "Walang may kayang gumawa ng pangbababoy kay Tin, wala saming magkakaibigan, dahil kami, talagang mahal na mahal namin siya.. 'Yung pinaparatang sa'min na binaboy namin siya, ni-r@pe, hindi namin kayang gawin sa kanya 'yun at hindi kami ganong klaseng tao. Pinalaki kami ng mga magulang namin, kaya yung pinaparatang samin na binaboy namin siya, ni-r@pe, walang ganon."


Patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa kasong ito.

Source: 1