Rudy Baldwin, nagkaron umano ng pangitain tungkol sa nangyari sa yumaong Flight Attendant - The Daily Sentry


Rudy Baldwin, nagkaron umano ng pangitain tungkol sa nangyari sa yumaong Flight Attendant




Kasunod ng pagkalat ng balita tungkol sa pagkamatay ng isang Flight Attendant matapos ang pagsalubong sa bagong taon, ay ang pag-uugnay ng mga netizen sa naturang pangayari at sa isa sa mga naging babala noon ni Rudy Baldwin.



Si Rudy Baldwin ay sikat sa bansa bilang isang magaling na manghulala. Naniniwala ang ilang netizen na marami na sa mga naging prediksyon ni Baldwin ang nagkatotoo o aktwal na nangyari. 


Kung kaya nang pumutok ang balita tungkol sa yumaong Flight Attendant na si Christine Dacera, mabilis din ang pagkalat sa social media ng isang screenshot kung saan makikita ang ibinahagi na pangitain umano ng nasabing sikat na manghulala.

Ayon sa naturang screenshot, may mga taong 'sinamantala sa silebrasyon ng bagong taon' kung kaya't hindi dapat magpaka kampante o basta na lang magtiwala dahil may magaganap umanong r@pe.



Narito ang screenshot:




Dahil dito, mas lumakas ang paniniwala ng ilan kay Baldwin dulot ng halos tugma nitong prediksyon sa sinapit ng yumaong dalaga.