Sa halip na magwala, binata may nakakagulat na ginawa sa nobya at lalaki nito habang natutulog sa kanilang bahay - The Daily Sentry


Sa halip na magwala, binata may nakakagulat na ginawa sa nobya at lalaki nito habang natutulog sa kanilang bahay



 

Photos courtesy of Facebook



Umani ng maraming papuri at komento ang isang post ng lalaking ito ng kanyang mahuli ang asawa nyang natutulog na may kasamang ibang lalaki sa kanila mismong bahay.

 

Marami sa mga netizens ang humanga sa pagiging kalmado ng lalaking ito na marahil kung sa iba nangyari ang ganitong insidente ay nagwala at nagkasakitan na rin ang mga ito. *


 

Umuwi ang lalaki sa kanilang bahay ng hindi nalalaman ng nobya nito, ngunit laking gulat na lamang nya nang makitaang kanyang minamahal na may kasamang iba.

 

Ngunit imbes na magalit ay kanya na lamang kinuhaan ng litrato ang sarili kasama ang kanyang nobyang natutulog habang katabi ang ibang lalaki na masasabing kalaguyo nito.

 

Ibinahagi nya sa social media ang mga larawan at nilagyan ito ng caption na, “Good men deserve good women,”

 

Mga simpleng mga kataga ngunit puno ng kahulugan at ramdam mong may pinaghuhugutan ang lalaking ito na kinilalang si Mr. Duston Holloway.

 

At dahil sa pangyayari, tinapos na ni Dustin ang relasyon sa nobya. Masakit man isipin at nakakapang hinayang ang mga panahon at pagmamahal na iginugol ni Dustin para sa nobya ngunit hanggang doon na lang marahil ang kanilang pagsasama. *


Photo courtesy of Facebook

 


Sa kabila ng pangyayari, masakit man ito oara sa kanya ay nagpapasalamat na din si Dustin at nagwakas na ang kanilang relasyon at hindi na sya magtitiis pa sa isang maling relasyon.


 

Alam ni Dustin na makakahanap pa sya ng mas higit na maganda at mabait na babaeng magmamahal sa kanya ng wagas at sisiguraduhin nyang hindi na sya muling magpapaloko pa.

 

Nakakalungkot lang talagang isipin na talagang walang “forever’ dahil gaano mo man kamahal ang isang tao at handa kang ibigay ang lahat sa kanya at makukuha pang lokohin ka at gamitin ang iyong kabaitan. 

 

Madalas nating marinig sa mga pelikula na, ang susi sa isang matatag na relasyon at upang magtagal ito at ang tunay na pagmamahalan at respeto sa isa’t isa at iingatan mo at ng iyong kapartner ang relasyon na mayroon kayo upang magtagal ang inyong relasyon. *


Photo courtesy of Facebook