Finnish national na may mala-dyosang kagandahan, na-inlove sa isang Pinoy bartender - The Daily Sentry


Finnish national na may mala-dyosang kagandahan, na-inlove sa isang Pinoy bartender



Screencap photos from KMJS/GMA

Sinong mag-aakala na ang isang napaka-gandang dilag, na animo'y isang diyosa sa kagandahan ang napa-ibig sa isa nating kababayan. Mala-Disney ang love story ng dalawa na nagkakilala sa isang cruise ship sa hindi sinasadyang pagkakataon.


Hindi inaasahang magtatagpo ang dalawa, mula sa bansang Finland ang dalagang si Jasmina, at isang dating overseas Filipino worker naman ang ating kababayan na si Bryan na tubong Mindanao.  *



Si Jasmina Cristea na isang 22 anyos na Finnish ang napaibig naman kay Jim Bryan Calonia, 32 anyos, na isang dating bartender sa isang cruise ship.


Dahil nga sa trabaho ni Jim na isang bartender sa cruise ship, di nya itinatanggi na marami na rin syang mga nakarelasyon. At karamihan pa nga sa mga ito ay mga banyaga. Aminado rin sya na halos lahat na daw ng bisyo ay nasubukan na nya.


Ngunit lahat ng kanyang mga bisyo ay agad nyang tinigil mula ng makilala nya si Jasmina, kung saan ay tanging ang magandang Finnish na ito lamang ang naghimok sa kanya na tigilan na ang pagbibisyo dahil sa hindi magandang dulot nito sa kanyang kalusugan.


At simula noon, nabago ang lahat ng dumating si Jasmina sa kanyang buhay at masasabi nyang nakita na nya ang kanyang tunay na pag-ibig kay Jasmina.  *



Screencap photos from KMJS/GMA


Isang circus ang negosyo ng pamilya ni Jasmina sa Finland. Siya ang tumatayong manager sa kanilang negosyo. Tumutulong din siyang gumawa ng tent at mga poster para sa kanilang circus shows.


Kung sa ating paningin ay napakaganda na ni Jasmina, taliwas ito sa kanyang mga nararansan sa kanilang bansa sa Finland. Aniya, madalas siyang makaranas ng pamimintas sa kanyang itsura. Kaya naman nakararamdam pa rin sya ng insecurities sa kanyang sarili.


"For someone to just say something about your appearance, I think that is just wrong." Napapaiyak na pahayag ng dalaga.


Kaya naman dahil dito, nagpasya na siyang iwan ang kanilang bayan at ninais nyang maglibot na lamang sa iba’t ibang bansa.


 

Hanggang sa nakilala nya si Bryan sa isang French cruise ship daw na isang bartender sa nasabing barko. Ani jasmin madalas daw siyang batiin ng binata sa tuwing magkikita sila at nang di nagtagal ay naging mag-chatmate sila.  *

Screencap photos from KMJS/GMA



Ayon kay Bryan, tumagal ng dalawang buwan ang panliligaw niya kay Jasmina at napasagot nya ang dalaga sa mismong kaarawan nito.


Sa kasalukuyan, tuluyan nang iniwan ni Jasmina ang Finland upang makapiling si Bryan sa Butuan. Hindi na rin pinasampa ni Jasmina sa barko ang kasintahan dahil sa natatakot itong may makilala pang iba.


Saktong naabutan ng lockdown ang magsing irog ng magbakasyon ang dalawa sa Cebu kung saan ay may mga pagsubok silang pinagdaanan. Nariyan yung nagkaroon sila ng tampuhan, nagka-sisihan dahil wala sila anumang hanapbuhay ng mga panahong iyon.



Simula noon, ay nagpagpasyahan na nilang manirahan sa Cebu at magsimula ng kanilang buhay. Gamit ang naipon ni Bryan, nagtayo sila ng maliit na Café na may temang Greek, na sakto namang pagbe-bake ang hilig ni Jasmina na tamang-tama naman sa napiling negosyo nila ni Bryan. 


Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanilang love story para sa iba nating kababayan na kahit magka-ibang estado man ang dalawang tao basta pag-ibig ang nagpasya, walang magiging hadlang,  *


Screencap photos from KMJS/GMA