Magkasintahang nakatakda na sanang ikasal, nang dahil sa pagpapachange oil nabuking ang panloloko ng lalaki - The Daily Sentry


Magkasintahang nakatakda na sanang ikasal, nang dahil sa pagpapachange oil nabuking ang panloloko ng lalaki



Photos courtesy of Facebook


Usap-usapan ngayon sa social media ang paglalabas ng sama ng loob ng isang babae at ng dating nyang kasintahan naghiwalay dahil sa panloloko ng lalaki at ng kaibigan nilang babae.


Hindi na bago ang ganitong kwento sa mundo ng magsing-irog. Hindi rin talaga maiiwasan na minsan ay nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon, kahit pa sabihin na engage na ang dalawa at nakatakda na itong ikasal. *



Ayon sa Facebook post ni Kathyrine Roman, isang OFW bilang isang nurse si Kathyrine, apat na taon na silang magkasintahan sila ng kanyang boyfriend na si Yves Esteban, at kamakailan nga ay nagpropose na ito sa kaniya ng kasal. Nangibang bayan si Kathyrine upang paghandaan ang nalalapit nilang kasal.


At kahit sa kabila ng mga pangbababae nito at paulit-ulit na panloloko sa kanya, tinanggap nya pa rin si Yves dahil naniniwala sya na baka naman magbago ito at higit sa lahat ay mahal na mahal nya.


Ngunit hindi kalaunan, panay na ang kanilang pag-aaway dahil sa paulit-ulit nitong pambabae at pagsisinungaling sa kanya.


Hanggang isang araw ay ang boyfriend na nya ang mismong humingi ng space at nais nitong makipag cool-off sa kanya. Sa matinding pag-aaway nila, sinauli muna ni Kathyrine ang kanilang engagement ring. *



Photos courtesy of Facebook



Makalipas ang ilang araw ay nababalitaan nya mula sa kanilang mga kaibigan na nakikita nila ang kanyang fiance na kasama ang kanilang kaibigan na si Sarah de Leon.


Nais ni Kathyrine na kumpirmahin ito mismo kay Sarah dahil matalik na kaibigan naman nila ito at parang kapatid na rin ang turing nya sa babae. At ayon na rin kay Yves ay may nanliligaw daw kay Sarah na kaibigan din nila.


Maayos naman ang pakikipag-usap ni Kathyrine kay Sarah kung sila nga ay magkasama ni Yves nitong mga nakaraang gabi. Ngunit todo tanggi ang babae.


Hanggang sa isang araw ay may nagpadala sa kanya ng litrato kunga saan ang kanyang fiance at itong si Sarah ay magkasama. Kaya dinirekta na ni Kathyrine si Sarah tungkol dito at di na nga tinanggi. *



Photos courtesy of Facebook


Ayon kay Sarah, magkaibigan lamang daw sila ni Kuya Yves, at nagpasama lamang ito magpa-change oil.


Ngunit ayon sa kaibigan ni Kathyrine na nagmamalasakit sa kanya, matagal na raw may ugnayan ang dalawa at may nangayayari sa dalawa, at tinatago lang sa kanya.


Kaya naman nitong huli ay mismong si Yves na ang humingi ng space sa kanya. Dito na naghinala si Kathyrine na may namamagitan nga kay Yves at Sarah.


Nakita rin ni Kathyrine ang post na larawan ni Sarah na nasa loon ito ng kotse ni Yves. Ngunit todo tanggi ang Sarah at hindi raw ito kotse ni kuya Yves.



Ngunit kalaunan ay inamin na mismo ni Yves na magkasama nga sila ni Sarah at nagpasama lamang sya magpa-change oil ng sasakyan. Ngunit ang tanong ni Kathyrine ay kung  magdamag ba nila itong ginawa dahil hindi umuwi ng bahay si Yves. *

Photos courtesy of Facebook

Hanggang sa nagpost na itong si Sarah ng mga patama kay Kathyrine at matapang nitong sinagot ang mga paratang sa kanya.


Ayon sa kanyang post, "Unang una wala ako dapat iexplain sa inyo dahil di ko naman kayo kilala at wala kayong alam. at wala akong inagaw dahil di naman ako kasali nung nag break sila, desisyon nila yon. Kung nagtatago kami bakit kami lumalabas? How ironic diba. Kung di nyo matanggap na friends kami its not my problem anymore. judge me nalang lol."


"Sa mga nagsasabing “kabet” ako, hindi sila kasal wag ako balakayojan. close friends lang kami ni Yves Esteban wag nyo kami pakielaman. Social media lang to, dami nyong time.



Subscribe na kayo sa youtube ko nasa taas ng profile ko tnx haha. " Dagdag pa ng dalaga.


Samantala, bumuhos ang simpatya ng mga netizens kay Kathyrine matapos ang pagtataksil sa kanya ng fiance at kaibigan nila. Tila marami ang nakaka-relate sa ganitong sitwasyon. *

Photos courtesy of Facebook